Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Saturday, 10 September 2022

May milyonaryo ulit! Dating OFW kinubra na ang napanalunang P298-M lotto jackpot makaraan ang 3 linggo


Imahe mula sa PCSO Facebook
  • Sa wakas ay kinubra na ng masuwerteng mananaya ang kaniyang napanalunan sa lotto na nagkakahalaga ng P298-M
  • Inabot ng halos tatlong linggo bago nakapunta ang lalaki sa tanggapan ng PCSO
  • Noon pang Marso 27 binola ang nasabing jackpot subalit naantala ang kaniyang biyahe dahil sa Holy Week at ECQ

Inabot ng halos tatlong linggo bago nakapunta sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Mandaluyong City ang mananaya na masuwerteng nanalo ng P298-M sa Grand Lotto 6/55.

Dahil umano sa obserbasyon ng Semana Santa at muling pagsailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ng NCR ay kamakailan lamang kinubra ng isang lalaki ang kaniyang napanalunang jackpot prize ng Grand Lotto na nagkakahalaga ng tumataginting na P298,773,641.20.

Imahe mula sa PCSO Facebook

Ang nasabing jackpot ay binola noon pang Marso 27 subalit hindi kaagad ito nakuha ng mananaya na isang dating OFW at umuwi na sa Pilipinas. Siya lamang ang nag-iisang nakahula ng lumabas na kombinasyon na 38-35-11-22-39-47.

Sa kasalukuyan, ang dating OFW ay nagtatrabaho na bilang empleyado sa gobyerno.

Ayon sa ulat, binili ng lalaki ang masuwerteng tiket sa Pagadian City, Zamboanga del Sur matapos tumungo doon para sa isang biyaheng may kinalaman sa kaniyang trabaho.

Imahe mula sa RMN

“Lubos po ang aking pasasalamat sa malaking blessing na ito. Marami pong matutulungan ang napanalunan kong ito sa Lotto, una po ang aking pamilya ganun din po ang ating mga kababayan na higit na nangangailangan lalo na ngayong mayroong pandemya. Ito po ay ibabahagi ko sa kanila,” pahayag ng lalaki.

Plano niyang ibahagi ang kaniyang natamong biyaya sa mga kapatid at magbibigay din ng donasyon sa simbahan at tulong sa mga lubos na naapektuhan ng pandemya.

Natutuwa naman si PCSO General Manager Royina M. Garma para sa plano ng lalaking mamahagi ng tulong sa mga nangangailangan at sa simbahan.

Imahe mula sa PCSO Facebook

Ani Garma, “Congratulations po sa inyo at mabuti dahil maganda po ang intension ninyo na tumulong sa pamilya at lalo na sa simbahan at sa ating mga kababayan.”

Sana raw ay marami pang sumunod na magiging milyonaryo at patuloy na suportahan ng publiko ang ‘Larong May Puso’ ng PCSO lalo na yaong mga nasa probinsiya at labas ng NCR Plus.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot