Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Thursday, 8 September 2022

Mas mura na! Mansion ni Pacman sa Forbes Park, binawasan pa ng P1-B ang orig na presyo


Imahe mula sa Presello
  • Nabawasan na ng halos P1-B ang binebentang mansiyon sa Forbes ni Senador Manny Pacquiao
  • Mula sa dating P2-B ay nasa P1.035-B na lamang umano ito
  • Mas pinili raw ng pamilya Pacquiao na magrenta na lang muna ng bahay sa Dasmariñas Village

Naalala n’yo ba ang napakalaki at magarang mansion sa Forbes Park ni Senador Manny Pacquiao na napaulat na ibinebenta na pala noong Pebrero 2020?

Makaraan ang halos siyam na buwan, mistulang wala pang nakabibili nito at binabaan na rin ang orihinal na presyo nang halos kalahati.

Imahe mula sa Presello

Ang property na isinalarawan bilang ‘Zen Inspired Luxury Mansion’ ay dating nakalista sa ilang real estate at may iba-ibang asking price; mula sa tumataginting na P2-B; P1.8-B, hanggang sa pinakamurang presyo na P1.5-B sa ‘Presello’.

BASAHIN: Zen mansion ni Pacman sa Forbes Park ibinebenta sa halagang P1.5-B

Subalit ayon sa Philstar columnist na si Victor Agustin ng ‘Money-Go-Round’, kinaltasan na ang presyo nito nang halos 50 porsiyento dahil lumalabas na wala pang nakabibili ng naturang mansion.

Screenshot mula sa JamesEdition

Ayon kay Agustin, ang pinakahuling asking price nito ngayon na nakalathala sa JamesEdition ay nasa $21.5-M o halos P1.035-B na lamang.

Nakapagtataka lang umano dahil ang isang website ay humihingi pa rin ng original price na P2.-B habang ang isa naman ay P1.8-B pa rin.

“The 5-bedroom, 5-bathroom, 10-car garage house along Cambridge Circle was first listed in early February 2020 just before the first lockdown for P2 billion, then relisted three months later in another website for P1.5 billion, before being migrated to Lamudi with the two higher price tags,” ayon sa kolumnista.

Imahe mula sa Presello

Ang lote ay may kabuuang lawak na 2,000 square meters habang ang bahay naman ay may floor area na  1,525 square meters. Mayroon itong 5 bedrooms, 7 bathrooms at 4 na carpark.

Bukod dito, mayroon din itong swimming pool, barbecue area, lush garden, product showroom, personal lift, home theater, bar, lanai, indoor courtyard at utility area ang bahay na dinisenyo ni Architect Anton R. Mendoza at Budji+Royal Designs para sa interior design.

Imahe mula sa Presello

Binili ni Pacman ang nasabing property sa kasagsagan ng kaniyang boxing career noong 2011 sa halagang P388-M mula sa negosyante at banker na si Lorenzo Tan.

Sa ngayon, mas pinili ng pamilya Pacquiao na tumira na lang muna sa nirerentahang bahay sa Dasmariñas Village habang hinhintay na mabenta ang kaniyang mansiyon sa Forbes.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot