- Sinagot ng Chinese Foreign Ministry ang maaanghang na pahayag ni Sec. Locsin
- ‘Mind basic manners’ ang naging paalala ng ministry sa kalihim
- Nilinaw naman ni Locsin na ang kaniyang paumanhin ay para lamang sa ‘kaibigan’ niyang si Foreign Minister Wang Yi
Pinaalalahanan ng China si Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin matapos ang maaanghang na salitang binitawan ng kalihim sa Twitter bilang pagkondena sa ginawang pag-harass umano ng mga Tsino sa Philippine Coast Guard sa Bajo de Masinloc kamakailan.
Ayon sa opisyal na pahayag na inilabas ng Chinese Foreign Ministry, nakarating sa kanila ang ulat tungkol sa naka-iinsultong pahayag ni Locsin sa social media account nito.
Binalikan din ng ministry ang naunang komento ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsasabi umanong: “China remains to be our benefactor. Just because we have a conflict with China does not mean to say that we have to be rude and disrespectful.”
Iginiit din ng komunistang bansa na ang Huangyan Island (Scarborough Shoal) ay sakop ng China kaya hinimok nito ang Pilipinas na maghinay-hinay sa mga ginagawang hakbang na maaaring magpalala sa tensiyon sa lugar.
“We hope that certain individual from the Philippine side will mind basic manners and act in ways that suit his status,” dagdag pa ni Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin patungkol kay Locsin.

Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry na personal nang humingi ng paumanhin si Locsin sa Chinese embassy matapos ang kaniyang kontrobersiyal na pahayag sa Twitter.
Subalit kinalaunan ay nilinaw ng kalihim na ang kaniyang paumanhin ay para lamang kay China State Counselor Foreign Minister Wang Yi na itinuturing niyang ‘kaibigan’.
“To my friend Wang Yi only. Nobody else,” giit ni Locsin.
Hindi umano kasali rito ang Chinese ambassador sa Pilipinas dahil ang trabaho talaga nito ay tumanggap ng reklamo.
Dagdag pa ng kalihim, alam niyang naiintindihan ni Roque ang pag-iinit ng kaniyang ulo kapag paulit-ulit siyang na napo-provoke.
No comments:
Post a Comment