- Hindi sinasadyang naigatong ng isang lola sa Nueva Ecija ang mahigit P14,000 na ipon niya umano
- Ibinahagi ng kaniyang apo sa Facebook ang nangyari sa pag-asang mapapalitan pa ito ng BSP
- Nais ring iparating ng apo sa KMJS ang nangyari sa pera ng lola niya para matulungan sila
Umapela ng tulong ang apo ng isang 95-anyos na lola sa Nueva Ecija matapos hindi sinasadyang magamit panggatong ang bungkos ng pera na tig-iisang libo na nagkakahalaga ng mahigit P14,000.
Batay sa Facebook post ni SarahLie Gahis De Guzman noong isang araw, nasunog ang pera ng kaniyang Lola Honorata matapos itong aksidenteng maigatong sa sinaing. Hindi umano namalayan ng kanyang lola na nahulog sa kalan ang ipong pera habang nagluluto.
“Sa di inaasahang pangyayari ay naigatong o nasunog po ang kanyang pera 14,000 mahigit po,” ayon kay Sarahlie.
Ibinahagi rin sa Facebook ng netizen ang mga larawan ng sunog na perang nakarolyo pa. Si Lola Honorata ay taga Brgy. San Juan bayan ng Laur, Nueva Ecija.
Umaasa naman si Sarahlie na makararating sa “Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho)” ang kaniyang panawagan upang matulungan si Lola Honorata.
Nais niya ring ilapit ang pangyayari sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pag-asang mapapalitan pa ang nasunog na pera.
“Ilalapit ko po ito sa inyo at sana po matulungan n’yo at mapansin n’yo po ang aming hinaing o amin pong nais,” dagdag pa ni Sarahlie.
Maraming netizens naman ang naawa kay Lola Honorata matapos mag-viral sa social media ang post ng kaniyang apo. Karamihan sa kanilan ay gustong malaman kung paano sila maaaring magpaabot ng tulong sa matanda.
“Drop GCash so we can lend a small amount to reinstate the said amount. Just believe in the power of humanity! Any small amount will do!!” komento ng isang netizen sa naturang post na ibinahagi ng isang page.
“Is there a way to contact lola? Or any way we can give our help to her?” tanong naman ng isa.
Samantala, sinabi ng isang nagkomento na posible pang mapalitan ng BSP ang nasunog na pera ni Lola Honorata dahil makikita pa naman ang mga serial number nito.
Sa mga nais magpahatid ng tulong, maaaring kontakin lamang ang kaniyang apo na si Sarahllie sa kaniyang Facebook account.
Sana nga ay maibalik pa ang perang inipon ni Lola Honorata, o kung hindi man ay matulungan siya.
No comments:
Post a Comment