- SI BSP Governor Benjamin Diokno ang nakatanggap ng pinakamalaking sahod noong 2020
- Mula sa pangatlong puwesto noong 2019 ay umakyat sa unang puwesto si Diokno
- Nananatili namang nasa pangalawang puwesto si Solicitor General Jose Calida
Si Bangko Sentral Governor (BSP) Benjamin Diokno ang highest paid government official noong nakaraang taon batay sa pinakahuling report ng Commission on Audit (COA).
Sa 2020 Report on Salaries and Allowance (ROSA) na inilabas ng COA nitong Miyerkules, May 12, lumalabas na si Diokno ang may pinakamalaking sahod na natanggap sa lahat ng opisyal ng pamahalaan noong nakaraang taon na nagkakahalaga ng P19.79-M.
Mas mataas ito nang mahigit P4-M kumpara noong 2019 kung kailan tumanggap siya ng P15.45-M at nasa ikatlong puwesto lamang.
Samantala, nananatiling nasa pangalawang puwesto si Solicitor General Jose Calida na nakatanggap ng sahod na P15.65-M noong 2020 bagama’t mas mababa ito nang kaunti kumpara sa sahod niyang noong 2019 na nagkakahalaga ng P16.5-M.
Pumangatlo naman si UCPB Executive Vice President Eulogio Catabran III na nakatanggap ng sahod na P15.46-M at sinusundan siya ni GSIS President at General Manager Rolando Macasaet na may suweldong P15.25-M noong nakaraang taon.

Halos doble ang natanggap ni Macasaet kumpara noong nagdaang dalawang taon na sumahod lamang siya nang P7.96-M base sa record ng COA. Umakyat rin ang GSIS exec mula pang-51 lamang noong 2019 sa pang-apat na puwesto nitong 2020.
Si Supreme Court Senior Associate Justice Estela Perlas-Bernabe naman ang bumuo sa top five na mayroong sahod na P15.20-M. Nasa pang-16 na puwesto si Perlas-Bernabe noong 2019 at umakyat ng halos P5-M ang kaniyang sahod noong 2020.
Ang bumubuo ng top ten ay sina BSP Deputy Governor Maria Almasara Tuaño-Amador (P15.15-M); 7. dating Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta (P14.52-M); BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier (P14.34-M); dating UCPB Pres. at Ceo Higinio Macadaeg Jr. (P13.22-M); at BSP Senior Asst. Governor Dahlia Luna (P12.63-M).
Ayon sa COA, ang ROSA ay isang taunang ulat kung saan nasasaad dito ang kabuuang “emoluments/remunerations” na natanggap ng mga opisyal ng gobyerno. Hindi naman kabilang sa listahan ang mga halal na opisyal ng pamahalaan.
No comments:
Post a Comment