- Tuloy pa rin ang konstruksiyon ng ‘mega COVID-19 vaccination facility sa loob ng Nayong Pilipino
- Ito ay kahit pa nabalot ng kontrobersiya ang nasabing proyekto na nauwi pa sa pagbibitiw ng opisyal ng NPF
- Tniyak naman ni Nograles na pinag-aralang mabuti ang plano ng proyekto bago ito itatayo
Matutuloy pa rin ang pagtatayo ng tinaguriang ‘mega COVID-19 vaccination facility’ sa loob ng Nayong Pilipino; ito ang kinumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa kaniyang panayam sa ANC nitong Huwebes.
Nabalot ng kontrobersiya ang nasabing plano ng gobyerno matapos itong tutulan mismo ng Nayon Filipino Foundation (NFP) na nauwi pa sa pagbibitiw sa puwesto ni NPF executive director Atty. Lucille Karen Malilong-Isberto.
Sa kabila nito, nakatakda na umanong lagdaan ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Health (DOH) at ng International Container Terminal Services Inc (ICTSI) Foundation na siyang nag-alok para itayo ang pasilidad.
“Just the MOA to be signed and that MOA is forthcoming, just a few minor technical edits being done. It’s already been vetted by the Department of Tourism, been vetted by the Department of Health,” ani Nograles.
Ang ICTSI Fondation ay pag-aari ni port magnate at bilyonaryong si Enrique Razon, Jr. Ayon kay Razon, gagastos ang foundation ng mga nasa P250-M upang maitayo ang pasilidad na kayang magbakuna ng hanggang 10,000 tao kada araw.
“It’s now going through our Government Corporate Counsel. Just a few minor edits and then it will be signed very, very soon,” dagdag pa ng kalihim.
Samantala, kinumpirma rin ni Nograles na tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation ni Malilong-Isberto bagama’t wala pa silang pag-uusap na ginawa.
Nagbitiw si Atty. Malilong-Isberto dahil sa hindi nila pagkakaunawaan ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na isa sa nagtutulak sa nasabing proyekto.
Partikular na inalmahan ng NPF official ang posibleng pagputol sa maraming puno sa loob ng Nayong Pilipino para bigyang-daan ang konstruksiyon ng nasabing pasilidad.
Bukod dito, tutol din si Malilong-Isberto na isang pribadong kompanya ang magtatayo sa halip na isang ahensiya ng pamahalaan dahil labag umano ito sa batas.
Subalit tiniyak ni Nograles na walang tatamaang mga puno ang proyekto dahil pinag-aralang mabuti ang plano upang mahanap ang pinaka-feasible na area sa lugar na walang maapektuhang punongkahoy.
Nagsagawa rin daw ng masusing ‘due dliligence’ ang Department of Tourism (DOT) at lumabas na wala namang ‘lush forest’ na tatamaan ng proyekto.
No comments:
Post a Comment