Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Thursday, 15 September 2022

“Kulang pa ‘yan”: NTF-ELCAC dadagdagan pa ang kanilang 8 spokesperson


Imahe mula sa Chos.ph/Manila Times
  • Nakatakdang magdagdag pa ng spokespersons ang NTF-ELCAC
  • Kulang pa umano ang walong kasalukuyang tagapagsalita ng task force
  • Wala rin daw namang tatanggaping sahod o bayad ang mga bagong spokesperson

“One message, a thousand messengers, a thousand voices.”

Ganito umano ang prinsipyong pinaiiral ng NTF-ELCAC matapos sabihin ng isa sa bagong tagapagsalita ng ahensiya na si Presidential Task Force on Media Security executive director Usec. Joel Egco na magdaragdag pa sila ng bagong spokesperson sa mga darating na araw.

Usec. Joel Egco| Imahe mula sa PNA

Kung matatandaan, noong isang araw lang ay nagtalaga ng 6 na bagong tagapagsalita ang task force na kinabibilangan nina DILG Undersecretary Jonathan Malaya; Presidential Human Rights Committee Secretariat Undersecretary Severo Catura; MMDA spokesperson Celine Pialago; Atty. Marlon Bosantog; Gaye Florendo; at si Usec Egco.

BASAHIN: NTF-ELCAC nagdagdag pa ng 6 na spokespersons maliban kina Badoy at Parlade

Ito ay maliban pa kina PCOO Undersecretary Lorraine Badoy at Lt. Gen. Antonio Parlade na kapwa nabatikos dahil sa ginawang red-tagging ng mga nasa likod ng community pantry.

“Actually, kulang pa ‘yan,” ani Egco sa panayam ng ANC nitong Biyernes.

Usec. Badoy| Imahe mula sa PNA

“In the next few days, the NTF-ELCAC will be announcing the designation of more spokespersons in the regions besides the national spokesperson, including me, there are 8 of us right now—there will be regional spokesperson for the regional task forces of ELCAC,” wika pa ng opisyal.

Ani Egco, nais lang nilang palakasin pa ang kanilang mensahe kontra sa makakaliwang grupo kaya nais nilang dagdagan pa ang magsasalita para sa NTF-ELCAC.

Imahe mula sa AFP

“Ang ating principle dito one message, a thousand messengers, a thousand voices with the same line of messaging. Isa lang naman ang messaging natin dito: to end local communist armed conflict,” dagdag pa ni Egco.

Mayroon pa umanong ‘puwang’ sa communication team ng task force at ito ang nais nilang punan ngayon.

Nilinaw din ni Egc na tulad nila, ang mga bagong itatalagang regional spokesperson ng NTF-ELCAC ay walang tatanggaping bayad o sahod.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot