Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Friday, 16 September 2022

41 close contacts ng 2 OFW na nagpositibo sa Indian COVID variant, tinutunton na – DOH


Imahe mula sa ABS-CBN News
  • Tinutunton na ngayon ng DOH ang nasa 41 close contacts ng dalawang OFW na nagpositibo sa Indian variant
  • Umaasa ang DOH na walang nalabag na protocols ang mga pasaherong nakasabay ng 2 OFWs
  • Nagdeklara na rin ng travel ban ang Pilipinas para sa mga biyaheng Oman at UAE

Tinutunton at binabantayan na ng Department of Health (DOH) ang kalagayan ng 41 close contacts ng dalawang OFWs na kumpirmadong nagpositibo sa Indian variant ng COVID-19.

Ang unang OFW ay isang 37-anyos na lalaki na nanggaling sa Oman at dumating sa bansa noong Abril 10. Siya ay mayroong 6 na close contacts na nakasabay sa eroplano.

Imahe mula sa CNN PH

Ang pangalawa naman ay 58-anyos na lalaking OFW mula sa United Arab Emirates at dumating sa Pilipinas noong Abril 29. Siya naman ay mayroong 35 na close contacts na nakasabay sa biyahe.

Batay sa panuntunan ng DOH, itinuturing na close contacts ang mga nakapaikot sa pasaherong apektado hanggang sa apat na upuan ang layo.

Umaasa ang DOH na walang nalabag na protocols ang mga pasaherong nakasabay ng dalawang OFW.

DOH Usec. Vergeire| Imahe mula sa PNA

“We are tracing all of them and checking all of their statuses. The protocols were followed and hopefully, hindi po tayo nagkaroon ng breaches in protocol,” ani Health Undersecretary Mari Rosario Vergeire sa ‘Laging Handa’ press briefing nitong Biyernes.

Lahat naman umano ng pasaherong sakay ng eroplano ay sumailalim sa testing nang lumapag ang kanilang biyahe sa Pilipinas.

“Lahat ng taong ito ay subjected to protocols. They were tested on the 5th or 6th day,” ayon kay Vergeire.

Imahe mula sa Philippine Flight Network

Samantala, nagdeklara na rin ng travel ban ang Malakanyang para sa mga biyaheng manggagaling sa Oman at UAE simula Mayo 15 hanggang Mayo 31.

Maliban dito, pinalawig na rin ang nakakasang travel sa mga bansang India, Pakistan, Nepal, Bangladesh at Sri Lanka hanggang Mayo 31 rin.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot