- Mamimigay si Kris Aquino ng cash gifts na nagkakahalaga ng P5,000 para sa mga nanay
- Nais lamang daw niyang pasayahin ang mga nanay ngayong Mother’s Day
- Ito ay bukas hindi lamang sa mga biological mothers kung hindi maging sa mga tumayong ina sa iba
Para pasayahin ang mga nanay ngayong Mother’s Day, mamimigay si Kris Aquino ng tig-limang libong piso sa mga masuwerteng mapipili sa Linggo, Abril 9.
Sa kaniyang social media accounts, inanunsiyo ni Kris na magbibigay siya ng cash gifts na nagkakahalaga ng P5,000 bawat isa sa mapipiling may pinakamagandang sagot sa tanong na bakit nila mahal ang kanilang ina at bakit nararapat silang makatanggap ng nabanggit na premyo.
Pipili ang tinaguriang ‘Queen of All Media’ ng 28 winners mula sa kaniyang mga followers sa Facebook at 14 naman sa Instagram.
Nais lamang daw niyang paligayahin ang mga ina ngayong Mother’s Day at kung ikaw ay isang anak na gusto ring makita ang iyong nanay na masaya ay maaaring kang sumali, ayon sa TV host-actress.
“I will give you P5,000 each para this Mother’s Day…hindi para sa inyo ha. Don’t be selfish. Ano ang gusto n’yong bilhin o kung para saan yung P5,000 na ipadadala ko para sa inyo para mapaligaya nyo ang mga nanay nyo this Mother’s Day,” paliwanag ni Kris.
Ang contest ay bukas hindi lamang para sa mga biological mothers kung hindi maging sa sinumang nagpalaki sa hindi naman nila anak.
“Kung hindi man yung biological mom mo yung nagpalaki sa’yo, it could be your aunt, it could be your sister, lola… kung sino man ang gusto mong i-celebrate, na nagpalaki sayo. The person you consider who acted like your mother, kung sino man siya, bibigyan ko ng P5,000 on your behalf para mapaligaya natin on Mother’s Day,” wika ni Kris.
Ang cut-off ng entries ay hanggang 12 noon sa Linggo, Abril 9 at iaanunsiyon naman ang mga nanalo kinabukasan ng Lunes.
Para sa mga nais sumali, i-click lamang ang imahe sa ibaba upang mapanood ang buong video ni Kris:

No comments:
Post a Comment