
- Sinubukang paliparin ng isang You Tuber sa India ang kaniyang alagang aso gamit ang mga lobo
- Tinalian niya ng helium balloons ang aso bago ito binitiwan sa ere para ‘lumipad’
- Umani naman ng batikos ang You Tuber at sinampahan na rin ng re
klamo
Umani ng batikos at sinampahan pa ng reklamo ng mga awtoridad ang isang sikat na You Tuber sa India matapos nitong paliparin ang kaniyang alagang aso gamit ang ilang helium balloons.
Hindi natuwa ang mga subscribers ni Gaurav Sharma sa kaniyang channel matapos niyang i-upload ang video kung saan makikitang tinalian niya ng ilang pirasong lobo ang kaniyang alagang si ‘Dollar’ bago ito hinayaang lumutang sa hangin nang ilang metro para ‘makalipad’.

Maririnig pa si Sharma na nagsalita ng “Chalo ab Dollar ko udate hain” (Paliparin na natin si Dollar) bago pinakawalan sa ere ang aso na umabot pa sa balcony ng bahay.
Sa karugtong ng video ay makikitang muli ang You Tuber na nasa park kasama ang isang babae. Dito ay inatasan niyang tumakbo si Dollar na hawak ng kaniyang kasama. Kinalaunan ay binitawan ng babae ang aso at muli itong ‘lumipad’.
Ang naturang video ay ginawa niya noong Mayo 21 at ibinahagi sa kaniyang You Tube channel.

Kaagad namang nagsampa ng reklamo ang grupong ‘People for Animals Society’ sa awtoridad dahil ito ay paglabag umano sa Section 11(1)(D) ng ‘Prevention to Cruelty to Animal Act, Section 188’ ng Indian Penal Code’.
Naiulat rin na inaresto na ng mga pulis si Sharma dahil sa nasabing reklamo at hiningan ng paliwanag ukol dito.
Tinanggal na rin ang video sa kaniyang channel at humingi ng paumanhin si Sharma sa kaniyang mga subscribers.

Iginiit rin ng You Tuber na may mga ‘safety precautions’ silang sinunod sa paggawa ng video subalit hindi ito sapat para hindi siya kondenahin ng mga netizens sa kaniyang ginawa.
Si Sharma ay isa sa mga sikat na You Tubers sa India at sa kasalukuyan ay mayroong mahigit 4 million subscribers ang kaniyang channel.
No comments:
Post a Comment