Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Monday, 12 September 2022

Katas ng dahon ng mangga may mabisang anti-aging at skin whitening ingredient


Imahe mula sa Monthly Agriculture
  • Pinag-aaralan ng mga local researchers ang katangian ng dahon ng lokal na mangga bilang sangkap sa anti-aging at skin whitening cosmetic products
  • Napag-alaman na ang katas ng mga dahon ng mangga ay may mahusay na anti-oxidant at skin whitening properties
  • Sinuri ng mga researchers ang mga young at mature leaves ng mga mango cultivars tulad ng carabao, apple mango, pico, sinaging, at sipsipin mula sa San Miguel, Bulacan

Napag-alaman batay sa ginawang pag-aaral na ang katas mula sa mga dahon ng lokal na mangga ay maaaring magamit upang gumawa ng mas ligtas na cosmetic products matapos makitang malaki ang potensyal nito bilang anti-aging at skin-whitening cosmetic ingredients.

Imahe mula sa Tagalog Lang

Sa ginawang pag-aaral ng research team na pinangunahan ni Arsenia B. Sapin ng National Institute of Molecular Biology and Biotechnology ng University of the Philippines Los Baños, ay napag-alamang ang katas ng dahon ng mangga ay isang “nature-based cosmetic ingredient” na may mahusay na antioxidant, anti-aging at skin-whitening properties.

Ang pag-aaral ng grupo ni Sapin ay tinawag na “Evaluation of the bioactivities of natural phenolics from mango (Mangifera indica Linn) leaves for cosmetic industry applications.”

Sinuri ng mga researchers ang mga young at mature leaves ng mga mango cultivars tulad ng carabao, apple mango, pico, sinaging, at sipsipin mula sa San Miguel, Bulacan upang pag-aralan ang presensya ng polyphenolic compounds, antioxidants, at inhibitors kontra sa enzymes na nagsasanhi ng skin darkening.

Nakita sa resulta ng pag-aaral na ang mga young leaves ng pico at carabao varieties ang pinaka-potent sa pagpigil sa tyrosinase, ang enzyme na sanhi ng skin darkening. Sa mga mature leaves naman, ang apple mango ang nakitaan ng pinakamalakas na potency.

Imahe mula sa DOST

Sinuri din ng grupo ang kakayahan ng polyphenolic compounds sa mga dahon ng mangga na pangontra sa elastase, ang enzyme na sanhi ng wrinkles at paglaylay ng balat ng tao.

Ang katas ng dahon ng apple mango ang nakitaan ng pinakamalakas na inhibitor ng elastase.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot