- Binalikan ng ilang netizens ang kanilang matamis at masarap na alaala sa isang cute na chocolate candy
- Naging iconic ang lasa at disenyo ng tsokolateng hugis payong o tinatawag na “umbrella chocolate”
- Ayon sa mga netizen, talaga naman daw nakaaakit ang hitsura ng candy na ito lalo na sa mga bata
Binuo ng masasarap at matatamis na kendi ang ating pagkabata. Kahit ba tila banta ito sa ating sweet smile dahil malakas makasira ng ngipin, patuloy pa rin tayo sa pagbili nito lalo na iyong mga mumurahin sa oras na makahawak tayo ng barya.
Kung tutuusin, napakaraming kendi ang naging bahagi ng ating kabataan. Bawat isa ay mayroong tatak at alaalang iniwan sa atin. At kung disenyo ang pag-uusapan, isang chocolate candy na yata ang hindi natin malilimot.
Binalikan ng isang netizen mula sa Facebook group na We Are 2K – Ang Dekada 2000s ang cute at napakasarap na chocolate candy na hugis payong na may opisyal na pangalan na “umbrella chocolate.”
Sa post ni Charmaine PeƱaverde, tinanong niya ang mga ka-2000s niya kung naaalala pa ba ang nasabing kendi.
Sa kanyang post, kasama nito ang iconic na tsokolateng hugis payong. Mayroon itong tila patatsulok na dulo na nababalutan ng makulay na palara habang ang hawakan nito ay ang hugis cane o iyong handle ng payong.
Kapag kakainin na, tatanggalin ang balot nito at sisipsipin o kakainin habang nakadikit sa tila handle ng payong. Maliliit lamang ang chocolate na ito. Karaniwang nakalagay ito sa isang malaking garapon sa mga suki nating sari-sari store.
Noong early 2000s, nasa piso lang ang isa ang presyo nito. Para sa mga candy at chocolate lovers, bitin talaga ang isang piraso ng chocolate umbrella. Kaya naman hindi sapat ang isa at pabalik-balik sa sari-sari store kaya naman nakakokolekta sila ng maraming handle ng payong na maaari ding gawing laruan.
Maliban sa cute na hitsura ng umbrella candy, marami rin kasi ang nasasarapan sa lasa nito. Hindi man mamahalin na uri ng tsokolate, swak naman ito sa panlasa ng mga bata at sa panlasa na rin ng ilang matatanda.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin namang mayroong ibinebentang umbrella chocolate candy. Gayunman, hindi na ito kasing sikat kompara noon at iilan na lamang ang nagbebenta nito.
Natikman mo ba umbrella chocolate? Ano ang matamis mong alaala sa candy na ito?
No comments:
Post a Comment