
- Patuloy na nagdudulot ng inspirasyon ang isang pamilya sa Zamboanga Del Norte
- Parehong bulag ang mga magulang
- Ang nagsisilbing gabay nila ay kanilang anak na lalaki
Ang mga magulang ay siyang gabay ng mga anak sa kanilang pagtahak sa landas ng buhay. Subalit paano kung magbaligtad ang sitwasyon, at ang anak ang maging gabay at tanglaw ng mga magulang sa madilim na paglalakad sa pang-araw-araw na pamumuhay?
Noong Pebrero 2020 ay umantig sa damdamin ng mga netizens ang Facebook post ni John Cuenca Alterado tungkol sa mag-asawang bulag at kanilang anak, na palakad-lakad sa kalsada ng Barangay Milad sa Polanco, Zamboanga del Norte. Ang kanilang anak kasi ang nagsisilbi nilang mga mata.
Kita sa mga kuhang larawan na may nakataling lubid sa bewang ng bata at ng kaniyang ama bilang gabay sa kanilang paglalakad at upang hindi raw malayo ang bata sa kanilang mag-asawa. Nitong Mayo 2021, isang netizen na nagngangalang ‘Noel Landero Sarifa’ ang naantig ang damdamin dito. Ibinahagi niya ito sa kaniyang Facebook page.
“The innocence of this child just made me emotional. Guiding his parents from their dark world to safety, towards their destination. No complaints, no questions, just pure happiness to be of service to his parents,” saad sa caption.
Marami sa mga netizens ang nagsabing nais nilang makipag-ugnayan sa pamilyang ito upang patuloy na maabutan ng tulong-pinansyal, lalo’t ang inaasahan ng mga magulang na bulag ay kanilang anak.
“Even if they are blind for whatever reasons, I think they’re very lucky to have such a child, and I believe this child will also enjoy God’s blessings,” saad ng isa.
Turan naman ng isa, “I cry when I see this kind of situation, this little boy helps his parents both blind to guide and assist them, and they are happy with each other. Sana natutulungan sila ng lokal na pamahalaan. Kumusta na kaya sila ngayon? Sana mabigyan man lamang sila ng ayuda.”
Samantala, itinampok na sila ng vlogger na si Jose Hallorina sa YouTube Channel nito. Ginawan na rin sila ng bank account para malagyan ng mga taong nagnanais na magpaabot ng tulong-pinansyal sa kanila.
Panoorin ang isa sa mga vlog ni Jose Hallorina na nagpapakita sa pagtulong niya sa pamilyang ito via YouTube Channel:
No comments:
Post a Comment