Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Monday, 26 September 2022

Duterte sa mga Pinoy na namimili ng bakuna: “I cannot administer exclusive Pfizer”


Pfizer vaccination site sa Manila| Imahe mula sa PNA
  • Pinayuhan ng Pangulo ang mga Pinoy na ‘wag nang mamili ng bakuna
  • Hindi umano magiging patas kung Pfizer lamang ang gusto ng iba gayung marami namang ibang brand
  • Kung ayaw daw ng ibang Pinoy sa ibang brand, hindi na ito problema ng gobyerno

Nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na namimili ng COVID vaccine lalo na yaong Pfizer vaccine lamang ang nais na maiturok sa kanila.

Sa kaniyang lingguhang ‘Talk to the People’ nitong Miyerkules nang gabi, sinabi ng Pangulo na hindi katanggap-tanggap na ang ibang mga Pinoy ay Pfizer lamang ang pinipili gayung marami namang available na vaccine tulad ng Sinovac at AstraZeneca.

Screenshot mula sa RTVM Facebook

“Kung gusto ninyo sigurado Pfizer and you begin to be selective, hindi ho puwede ‘yan kasi ang Pfizer iisa lang sa dinidistribute natin,” wika ni Pangulong Duterte.

Magiging ‘unfair’ umano sa ibang mamamayan kung Pfizer lamang ang ibibigay sa isang lugar sapagkat maaaring mag-demand na rin ang iba pa. Maaari lamang daw magreklamo ang mga Pinoy kung Pfizer ang ipinangako sa kanila subalit ibang brand ang ibinigay.

Imahe mula sa CNBC

“Kung kayo lang ang gusto, paano yung ibang Pilipino? If you begin to be selective, the others will begin to be agitated about the potency na pareho naman sana sa iba,” ani Duterte.

“Kung sana maraming Pfizer tapos hindi maibigay sa inyo, you have every reason to complain,” dagdag pa ng presidente. “Huwag kayo mamili ng bakuna, they are all good.”

Dapat lang na maging patas ang pamamahagi ng COVID vaccine, patuloy pa ng Pangulo, lalo pa’t pinatunayan naman ng mga eksperto at sa mga clinical trials na lahat sila ay ligtas at epektibo.

Pfizer vaccination site, Parañaque City| Imahe mula kay Noel Litan via Facebook

“Kung ayaw ninyo, huwag. Ayaw ninyo ng ibang — Sinovac and other — hindi namin problema ‘yan,” giit pa ni Duterte.

Vaccination site sa Maynila na Pfizer ang ibinibigay dinagsa ng mga tao

Dati nang inatasan ng Pangulo ang mga LGUs na ‘wag nang ianunsiyo ang brand ng bakuna na ituturok sa mga vaccination site upang maiwasang dumugin ito ng mga tao tulad ng nangyari sa Pfizer vaccination sa Parañaque at Maynila noong nakaraang linggo.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot