Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Monday, 26 September 2022

Crackdown sa tupada pinaigting matapos maaktuhan ang isang barangay chairman sa sabungan


Imahe mula sa Sport Betting
  • Ipinag-utos ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang pagpapaigting ng operasyon kontra tupada o ilegal na sabong
  • Ito ay matapos maaktuhan ang isang barangay chairman sa Calamba, Laguna sa isang tupadahan
  • Binalaan din ni Gen. Eleazar ang mga PNP personnel na huwag kukunsintihin ang anumang uri ng ilegal na pasugalan

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar ang lahat ng mga local police units na paigtingin ang operasyon kontra sa tupada o ilegal na sabong sa mga lugar na kanilang nasasakupan.

Screenshot mula sa UNTV video

Ang utos ni Gen. Eleazar ay kasunod ng pagkakahuli sa labimpitong katao, kabilang ang barangay chairman sa Calamba, Laguna dahil sa tupada at paglabag sa health protocols na ipinaiiral upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ang Laguna ay bahagi ng NCR Plus na kasalukuyang nasa ilalim ng General Community Quarantine with Heightened Restrictions.

“Ang ilegal na tupadang ito ang mitsa sa nakakalungkot na pangyayari kay Edwin Arnigo. Therefore, I am ordering all police commanders to launch a crackdown against this form of illegal activity,” sabi ni Gen. Eleazar na ang tinutukoy ay ang 18-anyos na may autism na nabaril ng mga pulis sa sabungan sa Valenzuela City kamakailan lang.

Dismayado ang hepe ng PNP na kabilang ang isang barangay chairman sa Calamba sa mga naaktuhan sa tupada.

Imahe mula sa RT

“Ang malala pa dito, sangkot ang kapitan ng barangay. Nakakahiya at nakakagalit na imbes na sawayin ay siya pa ang nangunang pasaway sa tupada. Hindi man lang natinag si kapitan sa nasampolan na barangay chairman sa Caloocan. I am also coordinating with the SILG Eduardo Año to give the PNP the clearance to immediately file cases against barangay officials where successful anti-tupada operations would be conducted,” aniya.

Binalaan din ni Gen. Eleazar ang mga PNP personnel na huwag kukunsintihin ang anumang uri ng ilegal na pasugalan.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot