Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Friday, 9 September 2022

2 Pinoy seafarers mula India, kritikal ang kondisyon dahil sa COVID; isinugod na sa medical facility


Imahe mula sa Marina-Facebook
  • 12 Pinoy seafarers na sakay ng barkong galing India ang nagpositibo sa COVID-19
  • Dalawa sa mga ito ang kritikal at isinugod na sa isang medical facility sa bansa
  • Mahigpit namang binabantayan ngayon ang barkong nakadaong sa Port of Manila

Dinala na sa isang medical facility sa bansa ang dalawa sa 12 Pinoy seafarers na tripulante ng isang barko na bumiyahe mula sa India kamakailan.

Ang dalawang ito na crew ng MV Athens Bridge ay nasa kritikal na kondisyon umano matapos dapuan ng COVID habang nasa biyahe.

MV Athens Bridge| Imahe mula sa Vessel Tracker

Bumiyahe galing India ang MV Athens Bridge noong Abril 22 at dumaong sa Vietnam noong Mayo 2 kung saan sila sumailaim sa RT-PCR test at nadiskubreng 12 sa 21 tripulante ng barko ay positibo sa COVID-19.

Ayon sa Maritime Industry Authority (Marina), kaagad humiling ang kapitan ng barko ng medical evacuation sa Philippine Coast Guard (PCG) bago pa pan sila dumaong sa OSS Port of Manila nitong Huwebes, Mayo 6.

“As of press time, the crew members in critical condition have been safely evacuated and brought to the dedicated medical facility for treatment,” bahagi ng pahayag ng Marina.

Imahe mula sa Marina-Facebook

Ang 10 pang crew ay nananatiling nasa barko at hinahatiran ng medical supplies. Mayroon na rin umanong doktor mula sa Bureau of Quarantine na nag-aasikaso sa kanila.

“The rest of the crew are contained in the vessel and shall be provided with needed medical supplies, including oxygen tanks, with assistance from BOQ and PCG” dagdag ng ahensiya.

Hinala ni Marina OIC Office of the Deputy Administrator for Planning Capt. Jeffrey Solon, maaaring nakuha ng mga tripulante ang COVID sa mga stevedores sa India na akyat-panaog sa kanilang barko para tanggalin ang lashing bars at mga bakal na humahawak sa container.

Imahe mula sa Marina-Facebook

Sa kasalukuyan, mahigpit nang binabantayan ang nakadaong na MV Athens Bridge upang wala nang makalapit pang mga bangka o barko sa kanila.

Ipinadala na rin sa Philippine Genome Center ang mga swab samples at specimen ng apektadong tripulante upang malaman kung B.1.617 variant ito, ang mas nakahahawang variant na nagmula sa India at tinawag na ‘double mutant’.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot