
- Pinatunayan ng beauty queen na si Winwyn Marquez na hindi kailangang mahal ang pamporma
- Sa isang guesting sa Wowowin, tig-400 pesos lamang ang suot na damit ng Reina Hispanoamericana winner
- Ito ay matapos siyang alukin ni Willie Revillame na maging co-host ng show on the spot
Isa sa mga beauty queen mula sa Pilipinas na gumawa ng kasaysayan para sa bansa ay ang model, actress, at host na si Teresita Ssen “Winwyn” Marquez. Siya lang naman ang kauna-unahang Pilipina na nanalo sa prestihiyosang pageant para sa mga Latina beauty na Reina Hispanoamericana noong 2017.
Kamakailan ay muling naging aktibo si Winwyn sa paggawa ng television show matapos maging abala sa kanyang training bilang military reservist ng Philippine Navy. Isa sa mga dinaluhang show ni Winwyn ay ang Kapuso afternoon game show na ‘Wowowin.’
Sa naturang episode, pinatunayan ng anak nina Joey Marquez at Alma Moreno na sa kabila ng kanyang titulo bilang beauty queen at fashion icon, nananatiling simple lamang ang kanyang pagporma. Ibinida ni Winwyn ang suot niya sa show na nagkakahalaga lamang ng P400.
Ayon kay Willie, hindi sana magho-host si Winwyn sa show. Naroon lamang siya para sa rehearsals ng susunod na episode ng Wowowin para sa isang dance number. Dahil naging guest co-host na noon ni Willie si Winwyn, inanyayahan niya itong sumama sa live episode ng show noong araw na ring iyon.
Dahil propesyonal, tinanggap ni Winwyn ang alok ni Willie kahit na wala siyang dalang damit na isusuot para sa nasabing guesting. Nagpabili lamang daw si Winwyn ng mumurahing damit na nagmukha pa ring elegante sa world class beauty queen.
Matapos ipagmalaki ni Winwyn na tig-400 pesos lamang ang damit niya ay minodelo niya ito nang kaunti a la Reina Hispanoamericana. Nasabi ng mga guest co-host ding sina Rhian Ramos at Ai-ai delas Alas na nagmukhang tig-4,000 pesos ang damit nang isuot na ni Winwyn.
Bago pa man maging Reina Hispanoamericana titleholder, minsan nang sumali si Winwyn sa isang pageant bagamat hindi nakakuha ng titulo. Dahil dito, marami ang bumatikos sa kanya at sinabing hindi siya pang-beauty queen.
Ngayon, pinatutunayan ni Winwyn na kahit hindi ka pumorma nang mahal, ay kaya mong ipakita sa iba ang angking ganda mo dahil ayon sa beauty queen, hindi kailangang mataas ang presyo ng isang bagay upang magbigay ito sa iyo ng kompiyansa.
Panoorin ang guesting ni Winwyn sa Wowowin suot ang kanyang P400 na damit:
No comments:
Post a Comment