Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Thursday, 22 September 2022

2007 iconic video na ‘Charlie Bit My Finger’, ibebenta na bilang NFT


Screenshot mula sa YT
  • Ipasusubasta na bilang NFT ang viral video na ‘Charlie Bit My Finger’ simula Mayo 22
  • Ang video ng batang magkapatid ay nag-viral taong 2007
  • Mayroon na itong mahigit 882 milyong views sa You Tube sa kasalukuyan

Simula sa Mayo 22, posibleng hindi na mapapanood sa You Tube ang viral video na ‘Charlie Bit My Finger’  dahil ibebenta na ito ng pamilya ng dalawang bata bilang NFT o ‘non-fungible token’.

Nag-viral ang video ng magkapatid na sina Charlie at Harry taong 2007 pa. Kuha ito ng kanilang amang si Howard habang ang dalawang bata ay nakaupo sa sofa.

Screenshot mula sa YT video

Sa naturang video ay makikitang kalong ng nakatatandang si Harry ang nakababatang kapatid na si Charlie nang isubo ni Harry ang kaniyang daliri at kagatin ito ni Charlie; ang simpleng eksenang gumawa ng kasaysayan.

Agad nagdulot ng tuwa sa karamihan ang video ng cute na magkapatid at nag-viral ito sa You Tube. Sa kasalukuyan, umabot na sa 882 milyon ang views ng video at mayroon na rin itong mahigit 2 milyong likes, at itinuturing ngayong ‘most-viewed viral video of all time’.

Ngayong nagbibinata na ang dalawa, nagdesisyon ang pamilya Davies-Carr na ibenta ang kanilang viral video.

Screenshot mula sa auction website

“Harry and Charlie, now 17 and 15, are soon entering adulthood and embarking on the next chapter of their lives, the perfect opportunity to embrace the next iteration of the internet,” ayon sa auction website.

“They are excited to welcome others to become a part of their story. This is not the end of the beloved video, but rather a new beginning,” dagdag pa nito.

Harry at Charlie makaraang ang ilang taon| Screenshot mula sa YT

Ang auction para sa ‘Charlie Bit my Finger’ ay magsisimula sa Mayo 22, at kapag nabili na ito, ang video ay tuluyan nang tatanggalin sa You Tube.

Ano ang NFT?

Ang ibig sabihin ng NFT ay ‘non-fungible token’. Kapag ‘non-fungible’ ang isang bagay, hindi na ito maaaring ipagpalit.

Ang NFT para sa isang  digital asset ay tulad ng certificate na pag-aari mo na ito. Ang mga NFTs para sa mga video, memes o tweets ay maaaring ibenta kahalintulad sa mga arts.

Screenshot mula sa YT video

Kamakailan lamang, ang “Disaster Girl Meme” – ang larawan ng isang batang babaing nakangiti habang may sunog sa likod niya – ay naibenta bilang NFT sa halagang $473,000 (P22.66-M).

Ang iconic video na ‘Charlie Bit My Finger ay maaaring hanggang Mayo 22 na lamang mapanood.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot