Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Monday, 19 September 2022

Mga gobernador at mayor mas binigyan ng prayoridad na mabakunahan kaysa mga senior citizens


Imahe mula sa Minglanilla LGU/Mayor Alfred Romualdez Facebook account
  • Mga gobernador at mayor uunahing mabakunahan kaysa mga senior citizens
  • Ang mga nasabing opisyales ng mga lokal na pamahalaan daw kasi ang direktang nagpapatupad ng localized lockdowns, pagpapabakuna at iba pang mga aktibidad laban sa pandemya
  • Sa kasalukuyan, ang mga binabakunahan ay ang nasa priority group mula A1 hanggang A3

Mas una na sa priority list ng mga dapat bakunahan ang mga gobernador at mayor kaysa mga senior citizens. Ito ay matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases sa pamamagitan ng Resolution Number 115-B na ibilang sa priority group na A1.5 ang mga governors at mayors.

Imahe mula sa CNNPH

Ang mga government officials ay kabilang noon sa Priority Group B2, pero noong buwan ng Marso ay inilipat sila sa Prioirty Group A4 bago inilagay sa A1.5, samantalang ang mga senior citizens ay kabilang sa A2 category.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na tagapagsalita rin ng IATF, nangunguna ang mga gobernador at mayor sa pangangasiwa sa vaccination drive, lockdown sa nasasakupan, at pagpapatupad ng COVID-19 prevention, detection, rehabilitation at treatment strategy.

“Kasi po ang mga mayor at gobernador ang nagpapatupad po ng  prevention, detection, isolation, treatment, and rehabilitation  na cornerstone of our COVID program. Sila po ang nagpapatupad ng localized lockdown. Sila po ang nagpapatupad ng vaccination. Sila po talaga ang ating instrumento dito sa paglaban natin sa COVID-19,” aniya.

“They may not be doctors, but they are equally frontliners dahil lahat po ng stratehiya natin, ang humaharap po ang, mga lokal na opisyales, si mayor at si governor,”  dagdag pa niya.

Imahe mula sa PNA

Ang mga health workers pa rin ang nangunguna sa listahan – Priority Group A1 – ng mga babakunahan.

Sa kasalukuyan, ang mga binabakunahan ay ang nasa priority group mula A1 hanggang A3 (mga may co-morbidity).

Ipinaalala ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa publiko na huwag magtungo sa vaccination sites kung wala pa sa listahan ng priority groups na naka-schedule na mabakunahan.

Imahe mula sa DOH

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot