
- Binuksan ng lungsod ng Taguig ang ika-siyam nitong vaccination site
- Tinatayang nasa 54,287 resident na ang nababakunahan laban sa COVID sa Taguig
- Mahigpit na ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang walk-ins sa vaccination sites
Sa paglalayong mapadali at mapalapit sa residente ang pagbabakuna, binuksan kamakailan ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang ika-siyam na COVID-19 vaccination site ng siyudad.
Ang ika-siyam na vaccination site ay matatagpuan sa Venice Grand Canal Mall Cinema 1 sa Cinema 5 sa Mckinley Hill sa Barangay Pinagsama ng naturang lungsod.
Mayroon itong tig dalawang vaccination teams kada sinehan at kayang makapagbakuna ng hanggang 800 tao kada araw.
“We have a good number of vaccine supplies as of now. We were told by the national government that there will be more in June. With that, the job of the LGU is to make sure that vaccination is safe, fast, and accessible. The city of Taguig wants to focus on those three things. So, we will continue to aggressively plan our vaccination rollout,” saad ni Mayor Lino Cayetano.
Ngayong linggo ay inaasahan ng lungsod na makakapag bakuna sila ng 65,000 mula sa 650,000 eligible individuals.
Ayon kay Mayor Cayetano, ang mga mayroon lamang na confirmed vaccination schedule ang maaring mabakunahan at mahigpit na pinagbabawal ang walk-ins.
Puwedeng magpa-schedule ng kanyang bakuna ang isang residente sa pamamagitan ng vaccination appointments online na Taguig TRACE.
Batay sa datos ng pamahalaang lokal ng Taguig, umabaot na sa 54,287 residente mula sa A1 (medical front-liners), A2 (senior citizens), at A3 (persons with comorbidities) ang nabakunahan na hanggang Mayo 18, 2021.
Mula Hunyo 1, target ng siyudad ng Taguig na makapagbakuna ng 5,600 kada araw at pagdating ng Disyembre ay lahat na ng residente nila ay nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna, sabi ni Mayor Cayetano.
No comments:
Post a Comment