
- “A true queen is not a woman who sn
atches another woman’s crown, but a woman who secretly sets another woman’s crown!” - Iyan ang pahayag ni Mrs. Sri Lanka title holder Pushpika De Silva matapos agawin ni 2019 winner at Mrs. World 2020 Caroline Jurie ang kaniyang korona at ibigay sa first runner-up
- Hindi raw kasi siya ang karapat-dapat na manalo dahil labag daw sa panuntunan ng pageant ang kaniyang estado
Usap-usapan ngayon ang isang kontrobersyal na tagpo sa ginanap na coronation night ng ‘Mrs. Sri Lanka’ pageant, kung saan umeksena ang dating title holder nito at literal na inagaw ang koronang nakaputong na sa ulo ng idineklarang nagwagi sa naturang kompetisyon: ibinigay naman ang korona sa itinanghal na first runner-up.
Ang inagawan ng korona at siyang title holder ay si Pushpika De Silva. Makikita sa video footage na naiputong na sa kaniya ang korona at naisabit na sa kaniya ang sash bilang title holder.

Maya-maya, makikitang pumasok sa entablado si 2019 winner at Mrs. World 2020 Caroline Jurie, kinuha ang mikropono, at hindi paawat na nagsalita.
“I have a small request. As for the Mrs. World Inc., there’s a rule that you’ll have to be married, and not divorced. So, I’m taking my first step saying that the crown goes to the first runner-up,” sabi nito, at agad na nagtungo si Jurie kay Silva. buong puwersang tinanggal ang korona mula sa kaniyang ulo, at inilagay sa ulo ng first runner-up. Pagkatapos nito, nag-walk out si De Silva dahil sa labis na kahihiyan.
Sa Facebook post naman ni De Silva, sinabi niyang malaking insulto ang ginawa ni Jurie sa kaniya. Inamin naman niyang hiwalay na sila ng kaniyang mister subalit hindi ba sila nadidiborsyo. Kung hindi raw legal ang kaniyang pagkakasali sa naturang pageant, sana raw ay hindi na siya isinali sa una pa lamang.
“So, if that symbolic crown was snatched from my head, I’ve already passed the necessary legal action for that injustice and insult, I’m informing you,” saad ni De Silva.
Dagdag pa niya, “Finally, I say a true queen is not a woman who snatches another woman’s crown, but a woman who secretly sets another woman’s crown!!”
Ayon naman sa pamunuan ng Mrs. Sri Lanka World pageant, ibibigay nilang muli ang korona kay De Silva, dahil wala naman daw itong nilabag na pagkakamali, at ito talaga ang nagwagi.
Samantala, i-click ang larawan sa ibaba upang mapanood ang video mula sa Twitter:

No comments:
Post a Comment