Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Saturday, 16 October 2021

Manilenyo ibinida ang natanggap na ayuda



  • Ipinagmalaki ng isang Manilenyo ang natanggap na ayuda
  • 4,000 piso raw ang ibinigay sa lahat
  • Umani ito ng magagandang komento mula sa mga netizens

Sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine ‘Season 2’ sa National Capital Region o NCR at iba pang karatig-lalawigan na nasa tinatawag na bubble area, nangako ang pamahalaan na magbibigay ng cash assistance o ayuda na nagkakahalagang 1,000 piso kada tao o 4,000 piso sa isang pamilyang may apat na miyembro, na ipararaan sa mga lokal na pamahalaan.

Isa sa mga lungsod sa NCR na talaga namang naging masigasig sa pamamahagi ng ayuda ay lokal na pamahalaan ng Maynila. Iyan ang ipinagmalaki ng isa sa mga Manilenyo na nagngangalang ‘Dendie Briones Bucad’ sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni Dendie Briones Bucad / Public Domain Image

Ayon sa kaniyang post, nakatanggap silang lahat ng 4,000 piso, pantay-pantay, at walang pinipili. Pinasalamatan niya ang mayor na si Isko Moreno na kilala rin sa tawag na ‘Yorme’ gayundin ang mga opisyal ng barangay. Kalakip ng kaniyang post ang larawan ng brown envelope na kinalalagyan naman ng 4,000 piso.

“Flex ko lang si Yorme Isko Moreno Domagoso. Maraming salamat! Walang 1k walang 2k , lahat 4k para pantay-pantay, walang kukurakot… iba ka talaga Yorme, at sa mga baragay officials maraming salamat!” saad sa kaniyang post.

Napasana-all na lamang ang ibang mga netizens.

“Sana ganyan lahat ng mga nanunungkulan. Pantay-pantay ang pamimigay ng biyaya,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Sana all ganiyan ang patakaran, dito sa amin, grabe ang kakapalan ng mukha, kulang na lang huwag na silang magbigay.”

“Puwede po bang lumipat ng lungsod? Kasi yung mayor namin parang walang paramdam eh! Mayor, baka naman po puwedeng pakigalaw ang baso!” wika naman ng isa.

Public Domain Image

Pahayag naman ng isa, “Iba talaga kapag makabayan ang namumuno at alam ang hirap ng buhay talaga dahil pinag- daanan niya hindi ganid sa salapi , hindi katuld ng mga naluklok na may kaya naman pero ganid dahil takot maghirap! Kaya pati mga para sa tao kinakamkam.”

Sa mga nakatanggap ng ayuda, congratulations! Nawa ay magamit ninyo ito sa mabuting paraan!


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot