Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Saturday, 16 October 2021

Si Manny Pacquiao ang susunod na presidente, ayon sa fearless forecast ni Ramon Ang ng SMC


Imahe mula sa Facebook page ni Sen. Manny Pacquiao
  • Sinabi ni SMC President and COO Ramon S. Ang na si Sen. Manny Pacquiao ang susunod na pangulo ng Pilipinas batay sa “current trends”
  • Iminungkahi ni Mr. Ang na maging running mate ni Pacquiao si Rep. Joey Salceda ng Albay
  • Nagpasalamat si Sen. Pacquiao kay Mr. Ang sa ipinakita nitong tiwala sa kanyang kakayahan na maging lider ng bansa

Nagpasalamat si ‘Pambansang Kamao’ Senator Manny Pacquiao kay Ramon S. Ang, ang president at chief operating officer (COO) ng San Miguel Corporation (SMC) dahil sa sinabi nito na ang senador ang inaasahan niyang magiging susunod na presidente ng Pilipinas.

Imahe mula sa Facebook page ni Sen. Manny Pacquiao

Sa isang roundtable discussion kasama ang mga reporters, sinabi umano ni Ramon Ang na si Pacquiao ang inaasahan niyang susunod na pangulo ng bansa batay sa “current trends.”

Nagmungkahi pa ang top honcho ng SMC kung sino ang dapat maging bise presidente ni Pacquiao.

Si Congressman Joey Salceda ng 2nd District ng Albay, na isang magaling na ekonomista at business analyst, ang naisip ni Mr. Ang na mabuting maging running mate ni Pacquiao.

“Pacquiao-Salceda will work,” wika ni Ramon Ang.

At kung sakali mang hindi si Rep. Salceda ang nais ka-tandem ni Pacquiao sa halalan 2022,  sana raw ay gawin itong Secretary  of Finance.

Sa pamamagitan ng isang post sa Twitter, pinasalamatan ni Sen. Pacquiao ang ipinakitang tiwala ni Mr. Ang sa kanyang kakayahan na maging lider ng bansa.

Albay 2nd District Rep. Joey Salceda/Imahe mula sa PCOO

Nais rin umano niyang makausap ang SMC president upang makapalitan ng mga ideya kung paano gawing mas maganda ang bansa para sa lahat ng mga Pilipino.

“I would like to thank Mr. Ramon Ang of San Miguel Corporation for his trust and confidence in me. Someday soon, I hope we can sit down and discuss ideas on how to make our country a better place to live in for every Filipino,” tweet ng senador.

Screenshot ng Twitter post ni Sen. Manny Pacquiao

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot