Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Saturday, 16 October 2021

Mayor Richard Gomez trending na naman sa panahon ng bigayan ng ayuda sa NCR+ areas


Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Richard “Goma” Gomez
  • Nagsimula na ang bigayan ng financial assistance sa mga residente ng NCR+ areas na nasa ilalim ng ECQ
  • Marami ang umaasa na sana ay gayahin ang ginawa noon ni Mayor Richard Gomez na hindi na gumawa ng listahan ng beneficiaries dahil lahat ng constituents niya ay binigyan ng ayuda
  • Ang pamamahagi ng ayuda sa NCR+ areas ay opisyal nang nagsimula noong April 7, 2021

Maraming mga residente ng NCR+ areas na kinabibilangan ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang nananalangin na sana’y gayahin ng ibang local government units ang ginawa noon ni Ormoc City Mayor Richard Gomez sa pamamahagi ng ayuda.

Imahe mula sa Balitang Balita

Sa kasagsagan ng ECQ noong nakaraang taon, minabuti ni Mayor Richard Gomez na lahat ng kanyang constituents ay mabigyan ng ayuda. Aniya, hindi na kailangang gumawa pa ng listahan dahil ang lahat ay mabibigyan.

“No need for lists. Each house got their supply. We have an emergency here, and these people need immediate assistance. Why waste time in making a list,” wika noon ng Ormoc City mayor.

Lahat nga naman ng mga residente sa NCR+ areas ay pare-parehong apektado ng ipinatutupad na ECQ kaya marami ang umaasa na ang lahat ay mabibigyan ng ayuda anuman ang estado sa buhay.

“Kaps! Ang gumaya sa thinking ni Richard Gomez magiging kasing gwapo niya. Promise. Try n’yo bilis,” post ng isang netizen mula sa GMA, Cavite na agad sinang-ayunan ng marami.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“’Yun nga momsh. Para saan nga po ba ang list? Sa pandemyang ito naman lahat affected.”

 “Tama. Sana lahat ganyan mag-isip.”

 “Sana nga all, mars. Eto na naman tayo.”

Imahe mula sa Facebook

 Ang pamimigay ng financial assistance sa mga kwalipikadong residente sa NCR+ areas ay nagsimula na noong Miyerkules, ika-7 ng Abril.

Isanlibong piso kada indibidwal na hindi hihigit sa apat na libong piso kada pamilya ang ibibigay sa mga residente na pasok sa pamantayan bilang qualified beneficiaries.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot