Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Saturday, 16 October 2021

Lalaking supplier ng face mask at face shield, nasita sa checkpoint matapos magpanggap na bumbero


Screenshot mula sa GMA News video
  • Isang lalaki ang nagpanggap na miyembro ng BFP na nagsasagawa ng inspection sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila
  • Subalit isa pala siyang supplier ng face mask at face shield na nagkukunwari lang na bumbero para makapag-ikot
  • Hinuli at sinampahan ng reklamo ang lalaki nang masita ito sa checkpoint sa NLEX

Nasita at tuluyang hinuli ang isang lalaking nagpanggap na miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) para lamang makapag-deliver ng kaniyang ibinebentang face mask at face shield.

Kinilala sa ulat ng GMA News ang lalaki na si Konsulyano Padilla; supplier umano ng mga nabanggit na produkto.

Sakay umano ng kaniyang SUV si Padilla nang lapitan ng mga operatiba ng PNP-HPG sa isang checkpoint sa North Luzon Expressway (NLEX). Agad namang nagpakilala ang lalaki na miyembro umano ng BFP na nagsasagawa ng inspection sa lugar.

Screenshot mula sa GMA News video

“Nakauniporme siya ng pang-itaas at prinesent niya ang kanyang ID ng Bureau of Fire,” ayon kay PNP-HPG Commander Police Captain Erwin Casil.

Subalit matapos i-verify, lumabas na nagsisinungaling pala si Padilla at hindi ito tunay na bumbero. Malabo at mayroon daw kasing binura sa ID na ipinakita ni Padilla sa kanila kaya nagduda na ang mga awtoridad.

Nang siyasatin ang kaniyang sasakyan, may natagpuang mga kahon-kahon ng face mask at face shield sa loob nito na nagkakahalaga ng halos P200,000.

Screenshot mula sa GMA News video

Ayon sa PNP-HPG, umamin sa kanila si Padilla na supplier siya ng face mask at face shield na nagkukunwaring miyembro ng BFP para makapag-ikot sa mga lugar sa Kamaynilaan.

“Ito po ‘yung paraan para sa ganoon hindi na daw siya nasisita sa checkpoint.  Nasa 20 kahon so almost P200,000 po siguro ‘yung laman nito,” ani Capt. Casil.

Dahil dito, sinampahan ang lalaki ng mga reklamong usurpation of authority at paglabag sa quarantine restrictions.

Tumanggi namang magbigay ng komento si Padilla habang sumasailalim sa pagsisiyasat.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot