
- Inilunsad ng PRC ang pilot test para sa COVID-19 saliva test
- Hindi na kailangang sundutin ang ilong at lalamunan sa saliva test
- Mas mabilis ang resulta at mas mura ang saliva test kaysa sa swab test
Bilang pagtalima sa requirements mula sa Department of Health (DOH), inilunsad ng Philippine Red Cross (PRC) ang pilot test para sa COVID-19 testing gamit ang laway.

Ayon pa sa senador, kung mabibigyan ng go signal, ang saliva reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test ay magiging isang “game changer” sa COVID-19 testing.
“It’s a game-changer. Dati hirap na hirap tayo ‘pag tayo ay nagpapa-swab. Susundutin ‘yung ilong, ‘yung throat natin. Ngayon this is less invasive, napaka-convenient,” ani Sen. Gordon na pinangunahan ang ginawang pilot testing event sa PRC Logistics and Multi-purpose Center sa Mandaluyong City.
Ka-partner ang labinlimang DOH hospitals, sinimulan na ng PRC ang pangongolekta ng samples mula sa isanlibong health workers nitong Martes, January 12.
Sinabi ni Sen. Gordon na ang pilot test ng saliva testing ay gagawin sa health workers dahil ang mga ito ang pinaka-exposed sa virus.
“Prerequisite to the DOH’s requirements, we will test medical front liners as they are the most exposed to the virus. The saliva testing can pave the way to a faster, easier, and cheaper process,” sabi ni PRC chairman Sen. Richard Gordon.

Aniya, isang milliliter lang ng laway ang kailangan para sa test. Ang health worker ay bibigyan ng lalagyan at straw upang kolektahin ang kanyang saliva.
“In three hours it should be over, gawin na nating five hours. The cost is much less, it’s PHP2,000,” wika ni Sen. Gordon.
Mas mapapababa pa umano ng PRC ang singil dito kapag mas marami ang magpapa-saliva test.

“Walang invasion ng katawan, mas mura, mas mabilis at hindi na kailangan ng PPE. P’wede kayong puntahan sa bahay, good for the senior citizens, para sa natatakot lumabas, children. Kapag ito ay pumasa, mas maraming kababayan na natin ang magkakaroon ng kakayahan na makapagpa-test upang sila ay ligtas na makabalik sa trabaho,” anang senador.
Ang saliva test ay ginagamit na sa ibang bansa, kabilang ang United States.
No comments:
Post a Comment