Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Tuesday, 20 July 2021

Bagong COVID-19 variant nasa Pilipinas na – Kiko Rustia


Imahe mula sa MSN
  • Narito na sa Pilipinas ang bagong variant ng COVID-19, ayon sa dating Born to Be Wild host na si Kiko Rustia
  • Ang isa umano niyang kaibigan ay nasa ICU at infected ito ng new COVID-19 variant
  • Nanawagan ang DOH sa publiko na iwasan ang magpakalat ng mga impormasyong hindi pa beripikado

Nagpapatupad ang national government ng travel ban sa maraming bansa, kabilang na ang America, kung saan mayroon nang kumpirmadong kaso ng new COVID-19 variant upang hindi iyon makapasok sa bansa.

Imahe mula sa Pixabay

Nauna nang sinabi ng Department of Health (DOH) na sa ngayon ay wala pang nade-detect na bagong COVID-19 variant sa Pilipinas, ngunit noong Lunes, January 11, ay isiniwalat ng dating Born to be Wild host na si Kiko Rustia na narito na sa bansa ang bagong mutation ng novel coronavirus na pinaniniwalaang mas mabilis makahawa kaysa sa pangkaraniwang COVID-19 na umiiral ngayon.

Sa isang Twitter post, sinabi ni Rustia na ang isa niyang kaibigan ay naka-confine sa intensive care unit (ICU) ng isang pagamutan dahil infected ito ng new COVID-19 strain.

Aniya, ibinahagi niya ang balita upang maging aware ang publiko at para makapag-ingat na rin.

“I won’t go into specifics, as to protect my friend’s privacy, but just got word that he is confined in the ICU with the new strain of COVID. Initial update pa lang sa ‘min ‘to sa groups namin. Sharing this for awareness and to tell you all to take extra precautions. It is here,” tweet ni Kiko Rustia.

Screenshot ng tweets ni Kiko Rustia

Sa mga sumunod pa niyang tweets,sinabi ni Rustia na nakatanggap siya ng mga private messages na nagsasabing mayroon nang bagong variant ng COVID-19 sa iba-ibang lugar sa Metro Manila. Sinabi naman niya sa post niya na hindi pa naman 100% confirmed ang mga nakarating sa kanyang impormasyon.

Iginiit ni Rustia na ang posts niya ay hindi naglalayong maghasik ng pangamba.

“This is not to spread panic. THIS IS TO RAISE AWARENESS. Wala na tayo dahilan para mag-panic dahil dumaan na tayo dun last year  and we managed (no thanks to the incompetence of this government)…mas need lang natin doblehin ang pag-iingat kasi dobleng mas nakakahawa ito ngayon,” tweet niya.

Kaugnay ng mga posts ni Rustia, sinabi ng DOH na hanggang sa ngayon ay wala pa ring nade-detect na UK variant o anumang variant ng SARS-CoV-2, ang virus na nagsasanhi ng COVID-19.

Imahe mula sa DOH

Nanawagan ang ahensya sa publiko na iwasan ang magpakalat ng mga impormasyong hindi pa beripikado.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot