
- Muling nagkasama sina Kris Aquino at Herbert Bautista sa isang video kung saan sinagot nila ang mga tanong tungkol sa pag-ibig
- Ibinahagi nila kung ano ang kahulugan ng pag-ibig para sa kanila
- Naiugnay noon sina Kris at Herbert
Sinagot nina Kris Aquino at dating Quezon City Mayor Herbert Bautista ang mga katanungan tungkol sa love and relationship sa isang video na ibinahagi ng Queen of All Media sa Instagram.

Una silang tinanong kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig para sa kanila.
Tugon ni Kris, “I didn’t believe my mom before but now I do. She said that for it to be love, it has to bring out the best in you. Love should make you want to be a better person and you should want that person to shine.”
Sagot naman ni Herbert, ang pag-ibig ay sakripisyo. Ngunit agad itong dinugtungan ni Kris, na “It shouldn’t feel like sacrifice.” Sa isang bahagi ng interview ay inamin din ni Kris na minsan ay naramdaman niya rin kay Herbert na kailangan niyang magsakripisyo.
Mabilis naman ang pagsagot ni Kris ng “no” sa pangalawang tanong na “Do you believe in second chances?”
“Wala pa ngang first chance e. Second chance na agad,” hirit naman ni Herbert.

“You have been married, I’ve been married… You know when it’s broken and I’ve said this also na once it’s broken the people trying to pick up the broken pieces ends up na pareho silang sugatan. ‘Pag basag na talaga, let it go,” sabi naman ni Kris.
Matatandaang naugnay noon sina Herbert at Kris at minsan nang sinabi ng aktres sa isang komento sa Instagram na hindi siya pinaglaban ni Herbert.
Dagdag pa ni Kris, matagal niyang hinintay si Herbert ngunit napagod lamang siya.
“Please don’t rewrite history. You didn’t [fight for me] when it mattered… Tanong lang — bakit ‘pag nararamdaman mong dinededma ka na, bakit kailangan magparamdam ka? ‘Di ba napaka-selfish na attitude non?” sabi pa ni Kris.
“Matagal kitang hinintay pero pinagod mo ang buong pagkatao ko kaya for me, you are already a closed chapter.”
Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang interview:
No comments:
Post a Comment