Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Thursday, 15 July 2021

Naabutan mo ba ang rotating tooth comb?



  • Kinatuwaan ng mga netizens ang larawan ng isang suklay sa Facebook page na BEKIMON
  • Tinatawag itong rotating tooth comb na nauso noon hanggang ngayon
  • Marami sa mga netizens ang nagbahagi ng kanilang alaala hinggil sa naturang suklay

Mahalaga ang pagsusuklay bilang pangangalaga sa buhok. Para sa mga babae, ito ang kanilang ‘korona’ kaya naman marami sa kanila ang gumagastos upang matiyak na maganda ang tubo, makintab, at maayos ang tabas nito. Sa mga lalaki naman, kinakailangan din ang regular na pagpapagupit upang mas malinis tingnan.

Kaya naman, naghatid ng nostalgia sa mga netizens ang larawan ng isang suklay na tinatawag na rotating tooth comb na ibinahagi sa Facebook page na “BEKIMON.” Pabirong saad sa caption: “Kung naabutan mo ito, mag-asawa ka na! Hahahahahaha.”

Imahe mula sa Facebook page na BEKIMON / Public Domain Image

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Hair Doctor pa tawag namin diyan noon, high school ako noong nauso ‘yan eh. Tapos kapag hindi ganyan ang suklay mo, walang hihiram sa ‘yo hahaha,” pagbabahagi ng isa.

Saad naman ng isa, “Yung pagtunog-tunog niyan habang sinusuklay mo at umaabot sa anit ang the best feeling ever. Hanggang ngayon may mga tinda pa ring ganiyan sa Divisoria saka mga palengke. Hahaha.”

“I’m happily married with 2 kids naman po,  kahit basag-basag na ‘yang suklay na ‘yan magagamit pa rin kasi malambot ang bagsak ng mga ngipin,” wika naman ng isa.

Sabi naman ng isa, “Naku, kaming magbabarkada, iyan ang suklay namin! Masaya sa pakiramdam kapag nagsusuklay, may tumutunog-tunog, saka hindi masakit sa anit. Parang namamasahe pa nga.”

Ang rotating tooth comb ay may spring-controlled rounded teeth. Ayon sa deskripsyon nito, “This helps eliminate brush burn and helps aid control. This also helps stimulate skin and hair follicles. The teeth rotate 360 degrees to help reduce hair pull and tugging and helps glide through any troublesome coats.”

Public Domain Image

Isa sa mga kilalang brands ng rotating tooth comb ay ang “Hair Doctor.”


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot