
- Sisilipin sa Kamara ang reklamo ng ilang depositor na nawalan ng perang nakadeposito sa bangko
- Sa isang kaso umano, isang depositor ang nawalan ng P270-M nang hindi maipaliwanag ng bangko
- Sinabihan lamang daw ang mga depositors na i-report na lamang ang insidente sa BSP
Tatalakayin sa Mababang Kapulungan ang reklamo ng ilang mga depsoitors na nawalan umano ng malaking perang nakadeposito sa bangko.
Pangungunahan ni ACT-CIS Partylist Representative Rowena Niña Taduran ang naturang congressional inquiry matapos makatanggap ng reklamo mula sa mga depositors na nagsabing nawalan sila ng milyon-milyong piso sa kanilang account subalit hindi ito maipaliwanag ng bangko.

Imbes raw na mag-imbestiga ang bangko, sinabihan na lamang ang mga depositors na sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) magreklamo.
“In one case, one account lost P270 million, which magically disappeared, with the bank claiming that several withdrawals of P10 million upwards were made from the account over a period of time. The client claimed he made no such withdrawals,” bahagi ng mambabatas.
“Instead of conducting an in-house investigation, considering the bank manager together with his family cannot be located anymore, he was then told by the bank to simply bring the matter to the BSP,” ayon pa kay Taduran.

Nagtataka rin ang kongresista kung bakit hindi nagpadala ng ulat ang bangko sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) samantalang ang mga withdrawals na ginawa ay mahigit sa P10-M na itinuturing dapat na ‘suspicious transaction’.
“Kung check o fund transfer ang ginawa, hindi ba alam ng bangko kung saan napunta ‘yun? At kung cash naman, hindi ba dapat ini-report ito sa AMLC?” tanong pa ng kongresista.
Kailangang i-report ng bangko sa AMLC ang anumang cash transaction na mahigit sa P500,000 sa loob ng isang araw bilang pagsunod sa R.A. No. 9160. Itinuturing din na isang ‘suspicious transaction’ kapag hindi naipaliwanag kung saan mapupunta ang perang na-withdraw ng isang depositor.
No comments:
Post a Comment