Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Tuesday, 20 July 2021

Dengvaxia controversy isa sa mga dahilan ng mababang kumpiyansa ng publiko sa COVID-19 vaccine


Imahe mula sa MIMS
  • Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na isa ang Dengvaxia controversy sa mga dahilan kung bakit nag-aatubili ang mga Pinoy na magpabakuna kontra sa COVID-19
  • Magsasagawa ang DOH ng isang massive information campaign upang mahikayat ang mga Pinoy na magpabakuna
  • Lumabas sa resulta ng Pulse Asia survey na 32% lang ng mga Pilipino ang nagsabing handa silang magpaturok ng COVID-19 vaccine

Malaki ang impluwensya ng Dengvaxia controversy sa pag-aatubili ng mga Pilipino para magpabakuna kontra sa COVID-19, ayon sa Palasyo.

Imahe mula sa PNA

“Hindi po natin made-deny na mayroon pong influence iyan,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang press briefing kasabay ng panghihikayat niya sa mga mamamayan na huwag makinig sa mga “self-proclaimed experts.”

Aniya, ang mga bakuna na aprubado ng mga regulators at ginagamit na sa maraming bansa ay ligtas at mabisa.

“Wala pong dahilan para matakot tayo sa mga ganyang bakuna. Maging kritikal pagdating sa pagtanggap ng mga impormasyon tungkol sa mga bakuna. Bigyan ng tiwala po ang ating FDA (Food and Drug Administration),” dagdag pa ni Roque na tagapagsalita rin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Inanunsyo ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III noong Lunes, January 11, na magsasagawa ang kanyang ahensya ng isang massive information campaign upang mahikayat ang mga Pinoy na magpabakuna kontra sa COVID-19.

Imahe mula sa DOH

Sinabi ito ng kalihim kasunod ng lumabas na resulta ng Pulse Asia survey na 32% lang ng mga Pilipino ang nagsabing handa silang magpaturok ng COVID-19 vaccine.

Ang kontrobersiya sa Dengvaxia vaccine ay nangyari noong Nobyembre ng taong 2017 matapos aminin ng manufacturer nitong Sanofi Pasteur na ang naturang bakuna ay maaaring magresulta sa mas malubhang sintomas ng dengue para sa mga taong hindi pa nagkaka-dengue baka mabakunahan.

Imahe mula sa Sanofi Pasteur

Dahil doon ay itinigil ng DOH ang school-based immunization program at iminungkahi kay Pangulong Duterte ang isang grupo ng Asian experts na magsagawa ng pagsisiyasat sa mga safety issues ng Dengvaxia vaccine.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot