Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Saturday, 16 October 2021

Sec. Roque may paliwanag sa mga nagsasabing kakarampot ang P1,000 ayuda para sa mga residente ng NCR+


Imahe mula sa RMN
  • Roque may paliwanag sa mga kritiko ng P1,000 kada indibidwal na ayuda para sa mga residente ng NCR+ areas na nasa ilalim ng ECQ
  • Kakarampot lang umano ang P1,000 kada indibidwal, ayon sa mga kritiko
  • Sinabi ni Sec. Roque na bukod sa nasabing ayuda ay patuloy  pa rin naman ang pagbibigay ng social welfare services ng DSWD tulad ng 4Ps at AICS

Naglaan ang pamahalaan ng halos P23 billion bilang financial assistance sa mga residente sa NCR+ areas na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ). Isanlibong piso ang ayudang ibibigay kada indibidwal o hindi hihigit sa apat na libong piso para sa isang pamilya.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Marami ang kritiko ng ayuda kabilang na ang ilang mga mambabatas na nagsasabing kakarampot lang ang isanlibong piso at hindi sapat sa ilang araw na ECQ.

“Saan makakarating ang P1,000 na ito at maximum daw na P4,000 kada pamilya? Itong P1,000 kada indibidwal at P4,000 kada pamilya ay napakaliit kumpara natin ito last year,” sabi ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro noong nakaraang linggo.

Noong nakaraang taon ay mula P5,000 hanggang P8,000 ang ayudang ipinamahagi sa 18 million families.

May reaksyon naman si Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga kritiko ng financial assistance ngayon para sa NCR+ areas.

Ipinaliwanag ni Sec. Roque na hindi lang naman sa panahon ng ECQ naglalabas ng tulong ang gobyerno.

Aniya, ang Department of Social Welfare and Development ay patuloy pa rin sa pagpapatupad ng regular na social welfare services kagaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).

Imahe mula sa PNA

Bukod pa roon ay tinutugunan din ng ahensya ang iba pang pangangailangan ng mga mahihirap na pamilyang Pilipino tulad ng medical, burial , transportation assistance at iba pa. Mayroon din umanong resource augmentation na ibinibigay naman sa mga local government units para sa family food packs. Naririyan pa rin daw ang 4Ps o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

“Sa mga nagsasabi na hindi raw sapat ang isanlibong pisong amelioration assistance bawat indibidwal or 4,000 pesos bawat pamilyang Pilipino, patuloy ang DSWD na nag-i-implement po ng mga regular social welfare services nito kagaya ng AICS, iyong Assistance to Individuals in Crisis Situation, para tumugon sa iba pa pong mga pangangailangan ng mga kababayan nating mahihirap gaya ng medical, burial, transportation assistance at iba pa,” paliwanag ni Sec. Roque.

Imahe mula sa DSWD

“Gayun din ang resource augmentation nito sa LGUs para sa mga family food packs upang tumulong sa LGUs na tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.  Mayroon din tayong 4Ps beneficiaries,” dagdag pa niya.

Ang pamamahagi ng financial assistance sa mga residente ng NCR+ areas ay sinimulan na noong Miyerkules, ika-7 ng Abril.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot