
- Viral sa social media ang mga video ng gumagalang ‘kulto’ sa Misamis Occidental
- Kumakatok umano ito sa mga bahay sa kalaliman ng gabi at mayroong masamang balak
- Nangako naman ang PNP na iimbestigahan nila ang mga insidente
Viral ngayon sa social media ang usap-usapan tungkol sa diumano’y kulto sa Misamis Occidental na naglilibot at kumakatok sa mga bahay sa kalalilman ng gabi para isagawa ng anumang masamang balak.
May mga video pa na ibinahagi ang ilang residente doon na nagdulot ng takot sa mga netizens dahil sa hindi maipaliwanag na pangyayari kabilang na ang isang ‘nilalang’ na hinahabol ng mga residente.
Nakunan din ng mga video ang ginagawang pagkatok sa mga pinto ng bahay sa disoras ng gabi na nagpahindik sa mga nakatira sa loob.

Kabilang na rin dito ang video ng isang lalaki na pabalik-balik na naglalakad sa kalsada at bigla na lang ‘nawawala’.
Mayroon din umanong nahuling dalawang lalaki kamakailan na bukod sa nakuhanan ng armas ay may mga dala ring mga tela kung saan nakasulat ang hindi maintindihang mga salita at letra. Paniwala ng karamihan kasapi sila ng ‘kulto’ na gumagala sa mga bayan doon at ito ang kanilang ‘orasyon’ o ‘bertud’.
Sa kabila ng walang sapat na pruweba kung totoo nga ang kuwento ng mga residente, nangako naman ang pamunuan ng PNP na iimbestigahan nila ito.
Nangangalap pa umano sila ng sapat na impormasyon tungkol sa mga insidente, ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana.

“We’ll have to secure, perhaps, initial information from the regional director of PRO. Rest assured such information will be communicated specifically to concerned individuals affected,” ani Usana sa ginanap na virtual press briefing nitong Sabado.
Kung sakali man daw na ang ‘kultong’ sinasabi ay mga kasapi ng makakaliwang grupo, titiyakin ng PNP na magsasagawa sila ng aksyon para managot ang mga ito.
“Kung ito naman po ay maituturing na mga nasa hanay ng gobyerno then it will also have to be validated based on pieces of evidence that we can gather from there,” dagdag pa ni Usana.
Panoorin ang compilation ng mga video mula sa You Tube/ Yelz TV at kayo na ang humusga:
No comments:
Post a Comment