
- Ipinaliwanag ni Duterte kung bakit siya ‘nawala’ nang ilang araw
- Talaga raw sinadya niya ‘iyon bilang sagot sa mga ‘nangangantiyaw’ sa kaniya
- Sinagot niya rin ang mga batikos sa mga larawang inilabas ni Sen. Bong Go
Matapos mawala sa mata ng publiko ng halos dalawang linggo, nitong Lunes, Abril 12, ay muling lumabas si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaniyang ‘Talk to the People’ kung saan pinag-usapan ang ginagawang hakbang ng gobyerno sa gitna ng krisis.
At bilang paliwanag sa kaniyang ‘paglaho’ ng ilang araw, sinabi ng Pangulo na talagang sinadya niya ‘yun bilang sagot umano sa mga kritiko na ‘nangangantiyaw’ at naghahanap sa kaniya.

“Noong nawala ako ng ilang araw, talagang sinadya ko ‘yun. Ganoon ako eh, kapag kinakalkal mo ako, lalo akong, parang bata? Kapag lalo mo akong kinakantyawan, eh mas lalo akong gumagana,” bungad ng Pangulo.
Wala rin daw siyang nakikitang masama kung paminsan-minsan ay umuwi siya sa Davao City sapagkat doon talaga ang kaniyang tirahan at hindi naman pera ng publiko ang kaniyang ipinamamasahe.
“Sinabi ko, my residence is the city of Davao and if I want to go home there, on reasonable basis, I can because that is my home. And if I want to be unreasonable about it… ginagawa ko rin ‘yan. Tutal naman ‘yung pampamasahe ko, hindi naman sa gobyerno,” paliwanag pa ni Duterte.

Sinagot din ng presidente ang mga batikos sa kaniyang padya-jogging, paggo-golf, at pagmo-motorsiklo sa loob ng Malakanyang nang madaling-araw dahil ginagawa niya ito pagkatapos naman ng kaniyang trabaho.
“Pero kung sabihin mo na may sakit ako ngayon to prevent me from exercising the powers of the presidency, wala ho. Kaya ako nakaka-swing ng golf (club), tapos nagmo-motor, kasi kaya ko pa,” wika pa ng presidente.
Ang problema raw, kahit anong gawin niya at kahit na sa anumang oras niya ito gawin ay tiyak na may masisilip pa rin ang iba.

Sa ilang araw na hindi nakita sa publiko ang Pangulo ay maraming haka-haka ang lumabas sa social media at kabilang na rito ang pagkuwestiyon sa tunay na kalagayan ng kaniyang kalusugan.
Subalit ayon sa Pangulo, wala siyang sakit at malayo pang mangyari ang ‘ipinagdarasal’ ng kaniyang mga kritiko.
“If you want me to die early, you must pray harder. Actually, what you intend or what you would like to happen is to see me go. You want me to go and you’re praying for that,” dagdag na pahayag ni Duterte.
No comments:
Post a Comment