
- Nagpositibo sa COVID-19 ang actress-politician na si Angelica Jones
- Pati ang kaniyang anak na lalaki at nanay ay nahawa na rin
- Hinala ng aktres, nahawa sila sa tagalinis ng kanilang bahay
Isinugod sa ospital ang dating actress at ngayon ay Laguna 3rd District Board Member na si Angelica Jones matapos magpositibo sa COVID-19.
Pati umano ang kaniyang 8-taong gulang na anak na si Angelo at ang kaniyang ina ay kapwa nagpositbo rin sa COVID na sa hinala ni Angelica ay nakuha nila sa kanilang kasambahay.

Sa panayam ng ABS-CBN News, ibinahagi ng aktres na ksalukuyan siyang naka-admit ngayon sa San Pablo City District Hospital at nahihirapan siyang huminga.
Nahirapan rin daw silang makakuha ng kuwarto sa ospital dahil punuan talaga at wala nang bakante.
“Three days muna kami nag-isolate ng anak ko sa bahay wala pa kami gamot, nagsusuob lang ako ng mainit na tubig. Akala ko talaga katapusan ko na,” bahagi ni Angelica.
Ang pinag-aalala umano niya ngayon ay ang kaniyang 62-anyos na ina na nasa ICU na dahil bumaba ang oxygen level.

“Humihingi kami po ng inyong Patuloy na dasal malampasan namin itong Pagsubok. PLEASE PRAY FOR MY MOM Beth Jones NASA ICU po siya .She had pneumonia and Covid 19,” ayon sa Facebook post ng aktres noong Sabado.
Hinala ng aktres, nahawahan sila ng kanilang tagalinis ng bahay. Bigla na lamang daw itong nilagnat at nanghina ang katawan at saka hindi na nakapasok nang sumunod na araw.
Dahil sa pag-aalala sa kanilang kalagayan, humingi ng panalangin si Angelic sa publiko at naniniwala siyang malalampasan nila ang kanilang pinagdaraanan ngayon.
“Please really need your Prayer. I had asthma , Pneumonia and covid.. nanalig ako sa Panginoon po di nya kami pababayaan,” wika pa ng actress-politician.
No comments:
Post a Comment