
- Hindi kasama ang mga bata sa listahan ng babakunahan kontra COVID-19
- Ang bakuna na na-develop ng Pfizer-BioNTech ay hindi pa aprubado para sa mga may edad 15 pababa, samantalang ang Moderna vaccine naman ay hindi puwede sa mga kabataang may edad 17 pababa
- Bagama’t hindi pa mababakunahan ang mga bata, maliit naman umano ang tsansa na mahawahan sila ng COVID-19 kapag nabakunahan na ang mga nakatatanda sa kanilang paligid
Mahigit 109 million ang populasyon ng Pilipinas, subalit 50 million hanggang 70 million na mamamayan lang ang target ng pamahalaan na mabakunahan kontra sa COVID-19 ngayong taon. Hindi kasama ang mga bata sa listahan ng mga babakunahan.

Ipinaliwanag ng Philippine representative ng World Health Organization (WHO) na si Dr. Rabindra Abeyasinghe, na mababa lang ang bilang ng mga batang kinakapitan ng novel coronavirus kaya hindi sila ang prayoridad na mainiksyunan ng COVID-19 vaccine.
“The incidence of the disease on children is very low and so they were not prioritized. There will be further research in the future when it will be cleared whether children should be vaccinated or not but at this point in time, we are not cleared on that,” aniya.
Ang bakuna na na-develop ng Pfizer-BioNTech ay hindi pa umano aprubado para sa mga may edad 15 pababa, samantalang ang Moderna vaccine naman ay hindi puwede sa mga kabataang may edad 17 pababa.
Batay sa datos ng Department of Health, mahigit 28,000 o anim na porsyento ng total COVID-19 cases sa bansa ay mga may edad 16 pababa.

Bagama’t hindi pa mababakunahan ang mga bata, maliit naman umano ang tsansa na mahawahan sila ng COVID-19 kapag nabakunahan na ang mga nakatatanda sa kanilang paligid. Tinatawag daw ito na “cocooning.”
“‘Yong tinatawag nating konsepto ng cocooning which means kung ‘yong mga tao sa paligid noong bata ay protektado, bababa ang tsansang mahawahan siya,” paliwanag ni Dr. Anna Lisa Ong-Lim.

Ang first batch ng Sinovac COVID-19 vaccine ay inaasahang darating sa susunod na buwan ng Pebrero. Bago magamit ang mga ito sa mass vaccination, hihintayin pa na maaprubahan ng Food and Drug Administration ang application ng emergency use authorization para sa naturang bakuna.
No comments:
Post a Comment