Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Thursday, 22 July 2021

‘BTS sa Kongreso’ binuo ni Cayetano; Pinoy ARMY pumalag


Imahe mula sa ABS-CBN News/ Wikipedia
  • Bumuo ng bagong grupo sa Kamara si dating Speaker Alan Peter Cayetano
  • Tatawagin nila itong ‘BTS sa Kongreso’ na hinango sa pangalan ng sikat na K-pop group
  • Pumalag naman dito ang Pinoy fan base ng BTS na ARMY

Ilulunsad ni dating Speaker Alan Peter Cayetano ang isang grupo ng mga kongresista at tatawagin nila itong ‘BTS sa Kongreso’ na sinunod ang pangalan sa sikat na K-pop band.

Nakatakda umanong magkaroon ng formal launching ang ‘BTS sa Kongreso’ sa Huwebes at ito ay bubuuin ng pitong mambabatas sa Mababang Kapulungan na pangungunahan ni Cayetano.

Imahe mula sa PNA

Maliban kay Cayetano, kabilang din sa bagong bloc na ito sina Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte Jr., Laguna Rep. Dan Fernandez, Batangas Rep. Raneo Abu, Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, at Capiz Rep. Fredenil Castro.

Lahat ng nabanggit na kongresista ay natanggal sa kanilang puwesto sa Kamara matapos maupo bilang bagong speaker si Marinduque Rep. Lord Alan Velasco.

Inamin rin ni Cayetano na hinango sa Korean boy band na BTS ang kanilang pangalan subalit ang ibig sabihin daw nito ay ‘Back To Service’ Congress.

Imahe mula sa Facebook ni Rep. LRay Villafuerte

Ayon naman kay Villafuerte, maaari din silang tawagin bilang ‘independent majority’ na magbabantay sa liderato ni Velasco sa Kamara.

“If we see something that’s wrong, we’ll also speak out because at the end of the day, we want what’s good for the country. We’re still definitely part of the administration and the Duterte majority,” ani Villafuerte.

Ginagamit ang BTS sa politika?

Samantala, pumalag naman ang mga Pinoy fans ng BTS o BTS ARMY dahil sa paggamit ng pangalan ng kanilang iniidolong K-pop group.

Screenshot mula sa Twitter

Naging dahilan din ito para mag-trending sa Twitter ang hashtag na #CayetanoStopUsingBTS nitong Miyerkules.

Ayon sa karamihan ng fans ng BTS, hindi nila sinusuportahan ang mga pulitikong tulad ng mga nabanggit na kongresista kaya dapat ay hindi ginagamit ang pangalan ng kanilang paboritong Korean group sa pamumulitika.

Ang iba naman ay hinihimok ang publiko na i-report ang isyu sa Big Hit Entertainment na siyang nagma-manage ng career ng BTS. Posible umano itong paglabag sa paggamit ng trademark at imagery ng mga artists.

Screenshot mula sa Twitter

Hindi naman natinag sina Cayetano sa mga batikos sa social media. Aniya, mayroon ding sumusuporta sa grupo at ang ilan daw ay ‘nag-welcome to the BTS Army’ pa sa kanila.

“Kung nagkaroon ng konting publicity noon, negative o hindi, it’s not meant to offend the fans. Pero huwag n’yo rin haluan ng politika kasi kami, hindi namin hahaluan ng politika ‘yon,” paliwanag ni Cayetano.


No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot