- Sulu governor humingi ng tulong sa IATF upang mabantayan ang baybayin ng Sulu Archipelago
- Bagong strain ng COVID-19 nasa kalapit na Sabah, Malaysia na
- Tiniyak ng gobernador na paiigtingin ang pagbabantay at gagamitin ang lahat ng resources na mayroon ang probinsya para sa kaligtasan ng lahat
Humingi ng tulong ang provincial government ng Sulu sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases para bantayan ang mga baybayin ng probinsya kasunod ng ulat na ang bagong strain ng COVID-19 ay nasa kalapit na Sabah, Malaysia na.
Ang bagong strain ng novel coronavirus na nagmula sa United Kingdom ay sinasabing mas mabilis makahawa kaya’t ganoon na lang ang pag-iingat na hindi ito makapasok sa bansa.
Sa isang pahayag na inilabas sa Sulu Governor Facebook page, sinabi ni Governor Abdusakur Tan na inanunsyo umano ni Malaysian Health Director-General Dr Noor Hisham Abdullah na nakita ang bagong strain ng COVID-19 sa Sabah.
Ayon pa sa gobernador, sineseryoso nila ang ulat dahil nakikipagkalakalan ang Sulu sa Sabah.
Dahil walang sapat na kakayahan ang probinsya na bantayan ang mga baybayin nito kaya nanawagan ito sa IATF ng tulong.
“We have a porous coastlines and a vast Sulu Sea between us and Sabah, and only the national government is equipped with the capacity and logistics to put in place and in operation, safeguards and preemptive measures called for,” pahayag ni Gov. Tan.
Nakiusap si Gov. Tan sa mga residente na huwag mag-panic at sundin lang ang mga advisories mula sa mga official sources.
Tiniyak niya na, sa tulong ng mga frontline partners, ay paiigtingin ang pagbabantay at gagamitin ang lahat ng material at human resources na mayroon ang probinsya para sa kaligtasan ng lahat.
No comments:
Post a Comment