- Humingi ng paumanhin si Mayor Jerry TreƱas dahil sa health protocol violations na naganap sa tatlong araw na mass gatherings para sa pamamahagi ng financial assistance sa beneficiaries
- Noong una ay dumepensa pa ang alkalde at itinanggi na may paglabag sa health protocols
- Sinabi rin niya noong una na gumagawa lang ng isyu ang mga kalaban sa politika
Dumepensa si Mayor Jerry TreƱas sa mga batikos tungkol sa nangyaring mass gatherings na naganap mula December 15 hanggang December 17 para sa distibusyon ng cash aid sa libo-libong mga residente kung saan ang social distancing ay hindi nasunod.
Kalaunan ay binawi ng alkalde ang kanyang mga sinabi at humingi ng paumanhin.
“I know no amount of reason can justify the events, and, for that, I am deeply sorry. I only have the people’s best interests at heart,” sabi ni Mayor TreƱas sa inilabas na statement nitong Sabado, December 19.
Ang mass gathering ay ginanap sa Iloilo City Freedom Grandstand kung saan ipinamahagi ang financial assistance Department of Social Welfare and Development sa 15,000 beneficiaries sa loob ng tatlong araw na event.
Kumalat ang ilang litrato at video ng mga taong nagkukumpulan at walang physical distancing. Maging ang alkalde at iba pang opisyal ng siyudad ay may larawan habang magkakatabi.
Depensa ni Mayor TreƱas, sa picture-taking lang daw sila magkakatabi at agad nag-disperse matapos makuhanan. Maging ang mga beneficiaries ay nag-observe din daw ng social distancing. At may mga “compliance officers” din daw doon upang siguruhing masunod ang mga health protocols.
Sabi pa niya, gumagawa lang ng isyu ang mga kalaban niya sa politika.
Matapos nga niyang pangatwiranan ang insidente, minabuti ng alkalde na humingi ng paumanhin. Nagbitiw din siya ng pangako na ang ganoong gatherings ay hindi na mauulit muli.
No comments:
Post a Comment