Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Monday, 28 March 2022

Paalam, April Boy Regino


Screenshot mula sa Wikivisually video
  • Malungkot na ibinalita ni Vingo Regino na wala na ang kanyang kuyang si April Boy Regino
  • Hindi nagbanggit ng anumang detalye si Vingo tungkol sa pagyao ng nakatatandang kapatid ngunit may mga mabibigat itong karamdaman
  • Bago naging solo artist, unang nakilala si April Boy Regino sa grupong “April Boys” kasama ang mga kapatid na sina Vingo at Jimmy

Isang malungkot na balita ang inihayag ni Vingo Regino sa social media para sa mga tagahanga ng kanilang grupo, partikular na para sa mga nagmamahal at umiidolo sa kanyang kuya na si April Boy Regino.

Screenshot ng Facebook post ni Vingo Regino

Sa Facebook, sinabi ni Vingo na wala na ang kuya niya.

“Nakakalungkot naman ang araw na ito…wala na ang kuya April boy ko,” madamdaming post ni Vingo.

Pinalitan naman ni JC Regino, anak ni April Boy, ang profile picture niya sa Facebook bilang pagpapakita ng pagdadalamhati. Isang nakasinding kandila sa itim na background at isang kulay pulang “idol” cap ang ipinost nito.

Bukod sa mga awiting pinasikat niya, kilala rin si April Boy sa pamimigay o paghahagis ng “idol” cap sa mga audience sa mga concert at shows niya.

Walang binanggit na detalye kung ano ang naging dahilan ng pagyao ng popular na Original Pilipino Music artist, subalit matatandaang inilahad niya sa isang interview, ilang taon na ang nakaraan, na may malubha siyang karamdaman.

Samantala, sa ibinahaging post ng maybahay nitong si Madelyn Regino, mababasa ang mga ininda nitong karamdaman na nauwi sa pamamaalam nito sa mundo sa ganap na 3:08 ng madaling araw nitong Nobyembre 29 sa edad 51 taong gulang.

Screenshot mula sa GMA video

Sa mga sumunod na panayam, sinabi niyang gumaling na ang karamdamang iyon, subalit noong 2015 ay nagkaroon naman siya ng diabetic retinopathy na nagresulta sa paglabo ng kanyang paningin.

Bago sumikat bilang solo artist, si April Boy, na ang tunay na pangalan ay Dennis Regino Magloyuan Magdaraog, ay nakilala dahil sa grupong April Boys kasama ang mga kapatid niyang sina Vingo at Jimmy.

Kabilang sa mga awiting pinasikat ng grupo ang “Honey, My Love, So Sweet,” at ang “Sana ay Mahalin Mo rin Ako.”

Bilang solo artist, nakilala si April Boy Regino sa mga awiting “Umiiyak ang Puso”, ” Paano ang Puso ko”, at “Di ko Kayang Tanggapin.”

Imahe mula sa Facebook page ng April Boys (Vingo & Jimmy)

No comments:

Post a Comment

Post Top Ad

Your Ad Spot