- Hinamon ni Sen. Bong Go sina Sec. Duque at Sec. Galvez na maunang magpabakuna kapag mayroon nang COVID-19 vaccine
- Layunin ng hamon na pataasin ang tiwala ng mga mamamayan na ligtas ang pagpapabakuna
- Sinabi ng senador na batay sa SWS survey ay 66% lang ng mga Pinoy ang handang magpabakuna sakaling mayroon nang COVID-19 vaccine sa bansa
Hinamon ni Senator Christopher “Bong” Go sina Department of Health Secretary Francisco Duque III at Vaccine Czar Carlito Galvez na maunang magpaturok kapag nagkaroon na ng COVID-19 vaccine sa bansa.
Sa isang media briefing noong nakarang Sabado, December 5, binanggit ni Sen. Bong Go ang agam-agam na nararamdaman ng mga Pilipino hinggil sa pagpapabakuna kontra sa COVID-19. Batay ang kanyang pahayag sa resulta ng Social Weather Stations survey noong buwan ng Nobyembre na nagsasabing 66% lang ng mga Pinoy ang handang magpaturok COVID-19 vaccine.
Layunin ng hamong ginawa ng senador na maging kampante ang publiko na walang magiging aberya sakaling magpabakuna sila sa oras na available na ang COVID-19 vaccine.
“I’m challenging Sec. Galvez, once available na po ‘yung safe na vaccine, ay papakita niya, along with Sec. Duque, sila po ang unang magpapaturok ng vaccine once safe para to encourage naman po,” hamon ng senador sa dalawang opisyal.
Agad namang kumasa sa hamon si Sec. Duque. Gagawin umano niya ito kapag sumailalim na ang COVID-19 vaccine sa sa pagsusuri ng ilang ahensya kabilang ang Vaccine experts panel ng Depatment of Science and Technology.
“Yes. Definitely. That is a no brainer. Sure. No problem. I will take it as long as it has undergone scientific evaluation of the Department of Science and Technology’s Vaccine Experts Panel, the Ethics Board Review and the FDA (Food and Drug Administration) which will conduct its own regulatory assessment,” tugon ng kalihim sa challenge ng senador.
Maging si Vice President Leni Robredo ay nagpahayag ng kanyang kahandaan na maunang magpabakuna kung iyon ang kinakailangan upang tumaas ang kumpiyansa ng mga mamamayan sa COVID-19 vaccine.
Sa kabala ng pahayag na iyon, naniniwala ang Bise Presidente na ang mga health frotntliners ang dapat maunang mabigyan ng bakuna.
No comments:
Post a Comment