- Nadale ng ‘basa
g-kotse’ gang ang aktor na si Michael Flores - Pinarada lamang niya umano ang kotse sa harap ng isang restaurant at nadiskubre ang insidente nang siya ay bumalik
- Hindi naman nagbigay pa ng karagdagang detalye ang TGIS aktor kung ano-ano ang nanakaw sa kaniyang kotse
Nabiktima ng ‘basag-kotse’ gang ang aktor na si Michael Flores matapos iparada ang kaniyang sasakyan sa labas ng isang restaurant.
Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ng TGIS actor ang larawan ng kaniyang sasakyan na basag ang salamin ng bintana. Ayon sa kaniyang caption, naglaro lamang siya ng badminton at pagbalik niya ay saka nadiskubre ang nangyari.
“Unfortunately, while I was parked outside the resto after playing badminton, this happened…tsk..,” caption ng aktor sa kaniyang post.
“Diyos na lang bahala sa inyo…” wika pa ng mister ng beauty queen-actress na si Nina Ricci Alagao.
Sa comment section ng post ni Michael, ilang kasamahan niya sa showbiz ang nag-usisa kung ano ang nangyari.
Isa na rito si Ara Mina na nagtanong kung mayroong nanakaw sa sasakyan ng aktor.
Ibinahagi naman ni Joseph Bitangcol na nangyari din ito sa kaniya noong Pebrero. Ani Joseph, “San nangyari to kuya? Na ganyan din ako nung Feb sa Visayas ave.”
Samantala, maging ang kanilang kapwa-aktor at dating Universal Motion Dancer (UMD) member na si Wowie De Guzman ay nabiktima rin umano ng ‘basag-kotse’ gang, ayon naman kay Joshua Zamora.
“Oh my, si @wowskie din bro,” ani Joshua. “Recently Lang, Nung Monday din.”
“It means stay home muna hehe,” sagot naman ni Michael kay Joshua.
Hindi naman nagbigay pa ng karagdagang detalye ang aktor kung ano-ano ang nakuha ng magnanakaw sa kaniyang sasakyan. Hindi na rin nito binanggit kung nai-report na niya ang insidente sa mga kinauukulan.
No comments:
Post a Comment