- Nasira ng ba
gyong Ulysses ang bahay ng beteranong aktor na si Gardo Versoza - Ibinahagi ni Gardo ang larawan ng kaniyang nasirang bahay sa Instagram
- Isa lamang si GardoVersoza sa mga celebrities na napinsala ang bahay ng malakas na ba
gyong dumaan
Hindi lang mga ordinaryong mamamayan kundi maging mga celebrities ay hindi rin nakaligtas sa pananalasa ng bagyong Ulysses na nag-iwan ng katakot-takot na pinsala sa Bikol, Kamaynilaan at sa ibang bahagi ng Northern Luzon.
Isa si Gardo Versoza sa mga artistang hindi nakaligtas sa pinsalang dulot ni Ulysses.
Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ng beteranong actor ang larawan ng bahagi ng kaniyang bahay na napinsala ng bagyo. Makikita sa picture ang wasak na kisame at sira-sirang hagdanan bukod pa sa tila maputik na sahig.
Mayroong simpleng caption ang post na Gardo na “haaaaayyyyyy our house”.
May mga netizen na nagtanong kung tirahan nga ba ito ng aktor dahil sa grabeng pinsalang tinamo subalit hindi na sinabi ng dating ‘Machete’ star kung saang bahay nila ito.
Sa isa pang post ay makikitang muli si Gardo na sumasayaw pa sa sikat na Tiktok dance habang naglilinis ng kaniyang bahay kasama ang ilang kasamahan.
“Grumpy daw ako palagi sabi ni #wifey tawa naman daw ako kaya ayan #tiktok muna habang linis linis life goes on cupcakes kahit gaano kasakit at kalungkot palaging iisipin na never tayong pababayaan ng PANGINOON at meron tayo mga cupcakes na magpapasaya at magpapa smile sa atin, kahit papano… amen,” ayon sa caption nito.
Sa kaniyang pinakahuling post naman ay pinasalamatan ng aktor ang kaniyang misis na si Ivy Vicencio dahil sa pagsalba ng huli sa kaniyang mga lumang larawan.
“Salamat #wifey sa pagsalba mo sa mga pictures na ito sa baha, i’m sure tuwang tuwa sa iyo si mommy ko in heaven, labyu shugs,” ayon sa aktor.
Nadia Montenegro: Natangay ni Ulysses ang lahat pero lalong tumibay ang faith ko
Maliban kay Gardo Versoza, nag-iwan din ng pinsala si Ulysses sa mga bahay ng ilang celebrities tulad nina Nadia Montenegro, Daniel Matsunaga at pamilya Kramer.
Kahit wala siyang nailigtas sa kaniyang mga gamit ay nagpapasalamat si Nadia dahil ligtas sila ng kaniyang mga kaanak.
No comments:
Post a Comment