- Pamunuan ng Angat Dam planong kasuhan ng Marikina LGU dahil sa pagba
ha - Hindi umano inabisuhan ng Angat Dam management ang Marikina na magpapakawala ito ng tubig
- Iginiit ni Mayor Marcy Teodoro na dahil sa pagpapakawala ng tubig sa dam ay umabot sa 22 meters ang water level ng Marikina River kaya bin
aha ang buong lungsod
Ikinagalit ni Marikina Mayor Marcy Teodoro na hindi sila binigyan ng abiso ng pamunuan ng Angat Dam na magpapakawala ito ng tubig sa kasagsagan ng bagyong Ulysses na nagresulta sa baha na mas masahol pa sa bahang idinulot noon ng bagyong Ondoy.
Dahil sa pangyayari ay planong sampahan ni Mayor Teodoro ng kasong negligence ang Angat Dam management.
“We have declared the whole city under state of calamity dahil lang sa kapabayaan na ‘yan,” hinanakit ng alkalde.
Ayon kay Mayor Teodoro, batay sa forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ay hanggang 18 meters aabot ang water level ng Marikina River dahil sa bagyong Ulysses kaya’t iyon ang kanilang pinaghandaan.
Matapos magpakawala ng tubig ang Angat Dam, umabot sa 22 meters ang water level ng Marikina River na mas mataas sa 21.5 meters na naitala noong bagyong Ondoy ilang taon na ang nakararaan.
Ang pinsala sa mga pampublikong imprastuktura ay umabot sa sampung bilyong piso, samantalang P30 billion naman ang pinsalang dinanas ng mga negosyo, ayon kay Mayor Teodoro.
Samantala, ayon sa National Power Corporation (NAPOCOR), na siyang operator ng Angat Dam, bahagi ng kanilang protocol na abisuhan ang mga apektadong local government units (LGUs) apat na oras bago magpakawala ng tubig mula sa mga dam.
Sinabi ng NAPOCOR na hindi kabilang sa mga apektadong LGUs ang Marikina City dahil hindi ito bahagi ng Angat River Basin.
Iginiit naman ni Mayor Teodoro na apektado sila sa pagpapakawala ng tubig sa Angat Dam dahil ang dam ay konektado sa Marikina River.
No comments:
Post a Comment