Breaking

Post Top Ad

Your Ad Spot

Friday, 4 December 2020

Pagbabayad sa Angkas motorcycle taxi gagawin na ring cashless

Screenshot mula sa PTV video
  • Magpapatupad ang Angkas motorcycle taxi firm ng cashless payment system
  • Sa pamamagitan ng cashless transaction ay mababawasan ang contact sa pagitan ng Angkas rider-partner at pasahero
  • Nakikipag-ugnayan na ang Angkas sa mga bangko at digital payment providers para sa bagong payment scheme

Pinayagan na ng Kamara de Representantes ang pagpapatuloy ng pilot study sa motorcycle taxi bilang alternatibong transportasyon matapos itong i-endorso ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Screenshot ng Angkas statement

Bago muling makapamasada sa kalye ang mga motorcycle taxi firms na Angkas at Joyride, kailangan pang hintayin ang guidelines na ilalabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ayon sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Habang hinihintay ang guidelines mula sa LTFRB para pormal na itong makapagsimula ng operasyon, naghahanda ang Angkas para magpatupad ng cashless payments sa kanilang serbisyo bilang isa sa mga hakbang para sa pag-iingat kontra COVID-19 transmission.

Makatutulong ang cashless transaction para mabawasan ang contact sa pagitan ng pasahero at Angkas rider-partner. Ito ay bukod pa sa barrier na obligadong gamitin ng bawat motorcycle taxi at ang pagdi-disinfect ng helmet at motorsiklo.

Sinabi ni George Royeca, ang chief transportation advocate ng Angkas, isinasapinal na ng kumpanya ang pakikipag-usap sa mga bangko at digital payment providers para sa paglipat nila sa cashless payment system.

Imahe mula sa Angkas

“Credit and debit cards are readily available. The app is ready for cashless,” ani Royeca.

Aniya, kukunin din nila ang serbisyo ng mobile wallets na GCash at Paymaya.

Sakaling matuloy na ang kanilang operasyon, tiniyak ni Royeca na handang-handa na ang kanilang 30,000 rider-partners na pagsilbihan ang mga commuters sa Metro Manila.

Imahe mula sa Angkas

2 comments:

  1. Nice Post For me and It is a very different blog than the usual ones I visit. From this post, I get more knowledge and I read a lot of interesting content here. Thanks for sharing a knowledgeable post. Taxi Gatwick To London

    ReplyDelete
  2. You have posted such a good post. I am very impressed by your work towards your post for sharing such useful information. Thank you.Taxis in Carlisle

    ReplyDelete

Post Top Ad

Your Ad Spot