- Nilinaw ni Sharon Cuneta ang kaniyang naging pahiwatig tungkol sa pagreretiro sa showbiz
- Aniya, hindi naman siya basta na lang maglalaho
- Marami pa umano siyang mga commitments na dapat tapusin
Pinawi ni Sharon Cuneta ang lungkot ng kaniyang mga fans matapos niyang ibahagi kamakailan na pinag-iisipan na niyang iwanan ng tuluyan ang industriya ng pelikula.
Sa kaniyang pinakahuling Instagram post, nilinaw ng Megastar na hindi naman kaagad-agad siyang maglalaho sa showbiz dahil marami pa siyang commitments na kailangang tapusin.
“Kids, please don’t be sad! I still had a few promises and contracts to fulfill,” paglilinaw ng beteranang aktres-singer.
“Just seeing as we don’t know yet when this pandemic is over or when is gonna be discovered, I am preparing for my retirement,” dagdag pa ni Sharon.
Noong Sabado, ginulat ng Megastar ang kaniyang mga followers dahil sa kaniyang Instagram post na tila nagpapahiwatig na nais na niyang magretiro.
BASAHIN: Pagod na: Sharon Cuneta sinabing nalalapit na ang kanyang pagreretiro
“Kids, it’s almost time. Mama’s tired. I love you!” ang text na nakasulat sa larawan. “On my way to retirement” naman ang caption ng post niya.
Subalit paliwanag ng aktres, matagal na siyang ‘semi-retired’ dahil noon pa man ay nagplano na siyang huminto sa showbiz matapos makasal kay Kiko Pangilinan sa edad 30. Hindi lang daw ito natuloy dahil nasa kalagitnaan siya noon ng shooting ng kaniyang pelikulang ‘Madrasta’.
Tiniyak rin ni Sharon sa kaniyang mga tagahanga na handa na siya sa mga ganitong pagkakataon.
“Don’t worry about me – my parents always prepared me for this! And I’ve been getting ready to retire for another 2 decades,” wika pa nito.
“I’m not just gonna instantly disappear. I owe you that much,” paniniguro pa ng Megastar sa kaniyang fans.
Gayunpaman, nais rin ni Sharon na maging handa rin sana ang kaniyang mga tagahanga na tanggapin ang kaniyang desisyon kapag dumating na ang panahong nais na niyang tuluyang lisanin ang showbiz industry.
No comments:
Post a Comment