- Sinimulan na ngayong October 12, 2020 ang door-to-door pre-registration process para sa national ID
- Uunahin ng mga tauhan ng PSA ang 32 provinces na itinuturing na low-risk areas
- Sa pre-registration ay kukunin ng mga PSA enumerators ang pangalan, address, kasarian at edad ng mga target respondents
Sinimulan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbabahay-bahay para sa malawakang registration sa national ID system.
Ang proseso sa pagkakaroon ng national ID ay hinati sa tatlong bahagi bilang pag-iingat at pagsunod sa health protocols na ipinatutupad sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ang pre-registration na sinimulan ngayong Lunes, ika-12 ng Oktubre, ang Step 1 para makakuha ng national ID. Uunahin ang 32 probinsya kung saan mababa ang bilang ng COVID-19 cases na itinuturing na low-risk areas. Hindi kabilang dito ang Metro Manila dahil isa itong COVID-19 hotspot.
Ang 40 percent ng mga pinakamahihirap na pamilya sa bansa ay naninirahan sa mga uunahing probinsya – Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Tarlac, Bulacan, Bataan, Cavite, Batangas, Cagayan, Isabela, Nueva Ecija, Pampanga, Rizal, Laguna, Quezon, Camarines Sur, Albay, Masbate, Antique, Capiz, Iloilo, Negros Occidental, Negros Oriental, Cebu, Bohol, Leyte, Davao del Norte, Davao del Sur, and Davao Occidental, Compostela Valley at Tawi-Tawi.
Sa pre-registration ay kukunin ng mga PSA enumerators ang pangalan, address, kasarian at edad ng mga target respondents na kakailanganin para sa Step 2 ng registration o ang pagtungo sa registration centers para sa pagkuha ng biometrics kabilang ang fingerprints, eye scan at photo.
Ang Step 3 ay ang issuance ng national ID.
Target na matapos ang pre-registration sa unang 32 probinsya ngayong taon. Tinatayang 5 milyong pamilya o siyam na milyong mamamayan ang sakop nito.
Tutulong ang Philippine National Police sa 5,000 tauhan ng PSA na magsasagawa ng door-to-door interview sa mga target respondents upang masiguro ang seguridad at masunod ang health and safety procedures sa buong proseso ng pre-registration.
No comments:
Post a Comment